Ang anak nina Zacarias at Elizabet sa Bagong Tipan. Isinugo si Juan upang ihanda ang mga tao na tanggapin ang Mesiyas (Juan 1:19–27 ). Siya ang may hawak ng mga susi ng Pagkasaserdoteng Aaron at bininyagan si Jesucristo.
Ikinulong sa bilangguan at pinugutan ng ulo, Mat. 14:3–12 (Mar. 6:17–29 ).
Ipinahayag ni Gabriel ang pagsilang at pagmiministeryo ni Juan kay Zacarias, Lu. 1:5–25 .
Itinuro ni Jesus na si Juan Bautista ay isang dakilang propeta, Lu. 7:24–28 .
Nakilala si Jesus bilang ang Anak ng Diyos, Juan 1:29–34 .
Naging mga disipulo ni Jesus ang mga disipulo ni Juan, Juan 1:25–29, 35–42 (Gawa 1:21–22 ).
Hindi gumawa ng himala, Juan 10:41 .
Bilang isang taong nabuhay na mag-uli, ay isinugo upang ordenan sina Joseph Smith at Oliver Cowdery sa Pagkasaserdoteng Aaron, D at T 13 (D at T 27:7–8 ; JS—K 1:68–72 ).
Inordenan sa pamamagitan ng isang anghel nang siya ay nasa gulang na walong araw, D at T 84:28 .