Isang taong may sapat na gulang, na anak na babae ng Diyos. Paminsan-minsan ang salitang Babae sa mga banal na kasulatan ay ginagamit bilang tawag ng paggalang (Juan 19:26 ; Alma 19:10 ).
Nilalang ng Diyos ang lalaki at babae, Gen. 1:27 (Moi. 2:27 ; 6:9 ; Abr. 4:27 ).
Ang mabait na babae ay higit na mahalaga kaysa mga rubi, Kaw. 31:10–31 .
Ang babae ay siyang kaluwalhatian ng lalaki, 1 Cor. 11:7 .
Gayunman, ang babae ay di maaaring walang lalaki, ni ang lalaki ay di maaaring walang babae, sa Panginoon, 1 Cor. 11:11 .
Nararapat gayakan ng mga kababaihan ang kanilang sarili sa maayos na pananamit, 1 Tim. 2:9–10 .
Ang iyong mga kasalanan ay pinatawad na sa iyo, at ikaw ay isang hinirang na babae, D at T 25 .
Ang mga babae ay may karapatan sa kanilang mga asawa para sa kanilang ikabubuhay, D at T 83:2 .