Sa Mga Banal sa mga Huling Araw, kasama sa pakikipagkapatiran ang paghahandog ng magiliw na pagsasamahan, paglilingkod, pagpapasigla, at pagpapalakas ng kapwa.
Kapag ikaw nagbalik-loob, papagtibayin ang iyong mga kapatid, Lu. 22:32 .
Kung kayo’y may pag-ibig sa isa’t isa, kayo ay aking mga disipulo, Juan 13:35 .
Pakainin ang aking mga tupa, Juan 21:15–17 .
Nanalangin sila na pangasiwaan namin ang pakikipagkapatiran ng paglilingkod sa mga Banal, 2 Cor. 8:1–5 .
Ang aming pakikipagkapatiran ay sa Ama, at sa kanyang Anak, 1 Juan 1:3 .
Pahalagahan ng tao ang kanyang kapatid gaya ng kanyang sarili, D at T 38:24–25 .
Kung hindi kayo isa kayo ay hindi sa akin, D at T 38:27 .
Tinatanggap kita upang makipagkapatiran upang iyong maging kaibigan at kapatid, D at T 88:133 .