Musika
Kapag ang Manunubos ay Bumalik


1002

Kapag ang Manunubos ay Bumalik

1. Sa araw na si Cristo ay muling pumarito,

Paghaharian N’ya’t dadalisayin ang mundo.

Digmaa’y mawawala; pag-ibig madarama;

Leon at tupa ay magsasama.

[Chorus]

Magdiwang! Magsaya! At tayo’y maghanda!

Tularan S’ya, at sundan ang landas N’ya.

’Di natin alam kung kailan S’ya magbabalik,

Ngunit ito’y matutupad, at tayo’y magagalak

’Pag ang Manunubos ay bumalik.

2. At ang araw na iyan, h’wag nating pangambahan,

Walang kasamaan, pasakit, at kamatayan.

Salita N’ya’y susulong, at sa ’sanlibong taon,

Lahat tanggap na S’ya’ng Panginoon!

[Chorus]

Magdiwang! Magsaya! At tayo’y maghanda!

Tularan S’ya, at sundan ang landas N’ya.

’Di natin alam kung kailan S’ya magbabalik,

Ngunit ito’y matutupad, at tayo’y magagalak

’Pag ang Manunubos ay bumalik.

Titik: Lane Johnson, 2019; salin sa Tagalog, 2025

Himig: Lane Johnson, 2019

© 2024 Intellectual Reserve, Inc.; salin sa Tagalog © 2025 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.

para sa Boses at Gitara

Doktrina at mga Tipan 45:56–59

1 Nephi 22:24–28