1035
O, sa Sabbath na Ito
1. T’wing Sabbath, ramdam ko
Tunay na kapanatagan.
Sa ’king D’yos ay sasamba
At makikipagtipan.
[Chorus]
Sa araw ng pahinga,
Puso’y alay sa Kanya.
O, sa Sabbath na ito,
Pag‑ibig N’ya’y tanglaw ko.
2. At mapagkumbabang
Sakramento’y tatanggapin,
Pupurihin S’yang lubos,
Utos N’ya ay susundin.
[Chorus]
Sa araw ng pahinga,
Puso’y alay sa Kanya.
O, sa Sabbath na ito,
Pag‑ibig N’ya’y tanglaw ko.
3. Sa Kanya ang tuon
Nang Espiritu’y madama;
Sabbath ay kalulugdan—
Ang banal na araw N’ya.
[Chorus]
Sa araw ng pahinga,
Puso’y alay sa Kanya.
O, sa Sabbath na ito,
Pag‑ibig N’ya’y tanglaw ko.
Titik: Nathan P. Howe, 2015; salin sa Tagalog, 2026
Himig: Nathan P. Howe, 2015 | BALSAM
© 2016 Nathan P. Howe; salin sa Tagalog © 2026 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa Simbahan o tahanan.
Exodo 20:8–11