1004
Kasama Ko si Cristo sa Paglalakad
1. Lumago si Cristo sa karunungan,
At mahal N’ya ang Ama’t sanlibutan.
Nais N’yang ituro ang tamang landas;
Aakayin N’ya ako hanggang wakas.
[Chorus]
’Pag S’ya ang kasama sa paglalakad,
Ang Espiritu’t liwanag Kanyang igagawad.
Puso ko’t isipan ay babaguhin N’ya.
S’ya’y makakasama patungo sa Ama.
2. Aking sisikapin na tularan S’ya,
Nangangakong susundan ang yapak N’ya,
Susundin ang aking Tagapagligtas,
At ihahayag pag-ibig N’yang wagas.
[Chorus]
’Pag S’ya ang kasama sa paglalakad,
Ang Espiritu’t liwanag Kanyang igagawad.
Puso ko’t isipan ay babaguhin N’ya.
S’ya’y makakasama patungo sa Ama.
3. Tunay kong Kaibigan, S’ya’y pakikinggan;
’Pag ako’y nagkamali, S’ya’y nariyan.
Kaloob N’ya’y tulong, awa’t pag-asa
Na ako’y makabalik sa ’king Ama.
[Chorus]
’Pag S’ya ang kasama sa paglalakad,
Ang Espiritu’t liwanag Kanyang igagawad.
Puso ko’t isipan ay babaguhin N’ya.
S’ya’y makakasama patungo sa Ama.
Titik: Stephen P. Schank, 2019; salin sa Tagalog, 2020, 2025
Himig: Stephen P. Schank, 2019
© 2019 Intellectual Reserve, Inc.; salin sa Tagalog © 2020, 2025 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.
Lucas 2:52