1022
Bawat Hakbang May Pananalig
1. Gawaing sadyang kagila‑gilalas
Nagaganap na sa wakas.
O mga naglilingkod sa ating D’yos,
Ialay ang puso’t lakas.
Nangusap ang mga propeta’t anghel;
Mundo’y inihanda
Sa paghahari ng D’yos Anak
At pagpapala N’ya.
[Chorus]
Sinusundan si Cristo
Sa ’ting bawat hakbang
Na may pag‑asa’t pag‑ibig,
Buong pananalig.
2. Ang mga Banal kagila‑gilalas;
Gawaing ito’y tinanggap.
Ang puso’t isipa’y inukol nila
Sa Panginoon nang ganap.
Sila ay huwaran ng kaalaman,
Pagpapakumbaba,
Kadalisaya’t pagmamahal
Sa D’yos at sa iba.
[Chorus]
Sinusundan si Cristo
Sa ’ting bawat hakbang
Na may pag‑asa’t pag‑ibig,
Buong pananalig.
3. Kung nais isulong gawaing ito
At nais tumulong sa D’yos,
At kung sa mundo’y ating ihahayag
Ebanghelyo N’ya nang taos,
Mga kalul’wa nati’y maliligtas,
Sa sala’y lalaya.
Mamamasdan natin nang lubos
Kal’walhatian N’ya.
[Chorus]
Sinusundan si Cristo
Sa ’ting bawat hakbang
Na may pag‑asa’t pag‑ibig,
Buong pananalig.
Titik: K. Newell Dayley, 1996; salin sa Tagalog, 2025
Himig: K. Newell Dayley, 1996; binago | FAITH IN EVERY FOOTSTEP
Salin sa Tagalog © 2025 Intellectual Reserve; himig © 1996, 2025 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.