Musika
Sa Buhay Ninyong Alay, Jesus


1041

Sa Buhay Ninyong Alay, Jesus

1. Sa buhay N’yong alay, Jesus,

Pagpapakumbaba’y lubos.

Ang alay ko’y pusong aba

At nagsisising kalul’wa.

O, ibigkis N’yo sa Inyo

Nalulumbay na puso ko.

2. Lahat ng aking pasanin,

Sa paanan N’yo’y dadalhin.

Pamatok N’yo’y ipapalit

Sa sala ko at pasakit.

O, ibigkis N’yo sa Inyo

Nagsusumamong puso ko.

3. Pag‑ibig N’yong walang wakas,

Alam kong tunay at wagas.

At tulad N’yo, sa kapwa ay

Magpapatawad nang tunay.

O, ibigkis N’yo sa Inyo

Nagmamahal na puso ko.

4. Sa pagsisikap sa buhay

Ng puso ko’t mga kamay,

Saanman ay aking dama

Inyong biyaya at awa.

O, ibigkis N’yo sa Inyo

Nananalig na puso ko.

Titik: Alice Warner Johnson, 2000; salin sa Tagalog, 2026

Himig: Alice Warner Johnson, 2000 | MIRA

© 2000 Alice Warner Johnson; salin sa Tagalog © 2026 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa Simbahan o tahanan.

Doktrina at mga Tipan 59:8

Mateo 11:28–30