1027
Tahanan Niya’y Laging Bukas
1. Hikayat ng pintong bukas:
Magtipon dito—dito’y ligtas,
D’yos Ama ay sambahin,
At sakramento ay tanggapin.
[Chorus]
Bilang mga manlalakbay,
’Pag mundo ay kaylumbay
At lumihis tayo ng landas,
Tahanan N’ya’y laging bukas.
2. Sa templo ay dama ang D’yos;
Kapahingahan do’n ay lubos.
Sa altar lumuluhod;
Gumiginhawa pusong pagod.
[Chorus]
Bilang mga manlalakbay,
’Pag mundo ay kaylumbay
At lumihis tayo ng landas,
Tahanan N’ya’y laging bukas.
3. Sa langit naro’n si Jesus;
Nag‑aanyaya S’ya nang taos—
Makisalo sa piging,
Makibahagi sa pag‑ibig.
[Chorus]
Bilang mga manlalakbay,
’Pag mundo ay kaylumbay
At lumihis tayo ng landas,
Tahanan N’ya’y laging bukas.
Titik: Andrea Christensen Brett, 2017; salin sa Tagalog, 2025
Himig: Andrea Christensen Brett, 2017 | DEMETRIUS WADE
© 2017 Andrea Christensen Brett; salin sa Tagalog © 2025 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa Simbahan o tahanan.