1203
Sino Kaya Itong Sanggol?
1. Sino kaya itong Sanggol
Na kalong ni Maria?
Mga anghel, mga pastol
Nakabantay sa t’wina.
O, si Jesus ito,
Ang Hari ng buong mundo.
Halina! Sambahin
Ang Sanggol ni Maria!
2. O, kalagaya’y kay-aba,
Higaan N’ya’y sabsaban.
Ipagpitagan natin S’ya,
Ang Tagapamagitan.
S’ya ay ipapako
Para sa akin at sa ’yo.
Magpuri! Narito
Ang Sanggol ni Maria!
3. Sanggol na Hari’y handugan—
Ginto, mira’t kamangyan.
Hatid N’ya ay kaligtasan.
O, S’ya ay papurihan.
Umawit, magsaya!
Ipagbunyi ang ngalan N’ya.
Magdiwang! ’Sinilang
Ang Sanggol ni Maria!
Titik: William Chatterton Dix, 1867; salin sa Tagalog, 2019, 2025
Himig: Katutubong himig ng England, ika-16 siglo; harmony ni John Stainer, 1867; binago | GREENSLEEVES
Salin sa Tagalog © 2025 by Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.
Lucas 2:7–16
Mateo 2:9–11