Musika
Masdan ang mga Sugat ni Jesus


1016

Masdan ang mga Sugat ni Jesus

1. Masdan ang sugat sa kamay

Ng Tagapagligtas;

Isipin natin na tayo’y

Kanyang iniligtas.

Pag-ibig N’ya’y ’di masukat;

Sa krus, ’pinako S’ya.

Tahanan natin sa langit

Kanyang inihanda.

2. Masdan ang sugat sa kamay

At tagiliran N’ya,

S’yang nagmahal at tumubos

Sa ating kalul’wa.

Kung maligaw at masaktan,

Kamay N’ya’y gagabay.

Damdami’y hihilumin N’ya;

S’ya’y ating karamay.

3. Masdan ang mga sugat N’ya.

Kay Cristo’y tumingin.

Hangad N’ya’y basbasan kayo

At patawarin din.

Hungkag ang puso ’pag tigib

Ng pagkakasala.

Bagbag na puso ay buksan,

At papasukin S’ya!

4. Masdan Kanyang paa’t kamay;

Ang sugat N’ya’y damhin!

Matatantong pag-ibig N’ya’y

Tunay at kaylalim.

At ’pag sa Kanyang paanan

Lumuha’t sumamba,

Kayo ay papanatagin

At yayakapin N’ya.

Titik: John V. Pearson, 1997; salin sa Tagalog, 2025

Himig: David R. Naylor, 1998 | BEHOLD THE WOUNDS

© 1998, 2024 John V. Pearson; salin sa Tagalog © 2025 by Intellectual Reserve, Inc.; himig © 1998, 2014 by Jackman Music. This song may be copied for incidental, noncommercial Church or home use.

Doktrina at mga Tipan 6:36–37

3 Nephi 27:14–16