1023
May Tiwala sa Pangako ni Cristo
1. May tiwala sa pangako ni Cristo,
S’ya ay aking pupurihin nang husto!
Pagsamba sa t’wina’y aawitin ko—
Laging may tiwala sa Kanya.
[Chorus]
May tiwala
Sa mga pangakong ginawa ni Cristo;
May tiwala—
Ako ay may tiwala sa Kanya.
2. May tiwala sa pangakong totoo
Duda’t pangamba’y hindi man maglaho;
Ang sandigan ko ay ang ebanghelyo—
Laging may tiwala sa Kanya.
[Chorus]
May tiwala
Sa mga pangakong ginawa ni Cristo;
May tiwala—
Ako ay may tiwala sa Kanya.
3. May tiwala sa pangako ni Cristo,
Sa Kanya’y nakabigkis ang puso ko;
Araw-araw may lakas ng ’Spiritu—
Laging may tiwala sa Kanya.
[Chorus]
May tiwala
Sa mga pangakong ginawa ni Cristo;
May tiwala—
Ako ay may tiwala sa Kanya.
4. May tiwalang ’di ako matutukso,
Pinakikinggan bulong ng ’Spiritu;
Ang lahat-lahat sa aki’y si Cristo—
Laging may tiwala sa Kanya.
[Chorus]
May tiwala
Sa mga pangakong ginawa ni Cristo;
May tiwala—
Ako ay may tiwala sa Kanya.
Titik: R. Kelso Carter, 1886; salin sa Tagalog, 2025
Himig: R. Kelso Carter, 1886; areglo, 2025 | PROMISES
Salin sa Tagalog at areglo © 2025 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.