1021
Alam Kong Mahal Ako ni Cristo
1. May mga batang tinipon noon
At pinalapit kay Cristo.
Pag‑ibig N’ya’y kanilang nadama
Sa basbas at turo N’ya.
Luhang umagos sa Kanyang mukha
Ay namasdan nila.
Kahit doon S’ya’y ’di nakapiling,
S’ya’y totoo para sa ’kin.
[Chorus]
S’ya ay buhay!
Susundin S’ya nang husto.
Puso’y iaalay.
Alam kong mahal N’ya ako.
Alam kong mahal N’ya ako.
2. Natututuhang maigi ngayon
Ang mga turo ni Cristo.
Guro’t magulang ang laging gabay,
Ilaw sa aking buhay.
Ang yakap N’ya’t pag‑ibig N’yang alay
Ay dama kong tunay.
Bawat araw susundan landas N’ya
Patungo sa aking Ama.
[Chorus]
S’ya ay buhay!
Susundin S’ya nang husto.
Puso’y iaalay.
Alam kong mahal N’ya ako.
Alam kong mahal N’ya ako.
Titik: Tami J. Creamer at Derena A. Bell, 2000; salin sa Tagalog, 2025
Himig: Tami J. Creamer, 2000; binago
© 2000, 2025 Tami J. Creamer at Derena A. Bell; salin sa Tagalog © 2025 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.