Musika
Puso Ko’y Laan sa Inyo


1025

Puso Ko’y Laan sa Inyo

1. O D’yos, puso ko’y laan

Sa Inyo kailan pa man.

At sa bawat sandali,

Sa Inyo’y magpupuri,

Sa Inyo’y magpupuri.

2. Ang aking mga kamay

Ay tutulong nang tunay.

At aking mga paa

Susundan Kayo t’wina,

Susundan Kayo t’wina.

3. Tinig ko’y iaalay

Sa ’king Hari’t Patnubay.

At ang mga labi ko

Sasambit ng nais N’yo,

Sasambit ng nais N’yo.

4. Kalooban N’yo’y aking

Matapat na susundin.

Puso ko’y sakupin N’yo,

Manahan Kayo rito,

Manahan Kayo rito.

Titik: Frances Ridley Havergal, 1874; salin sa Tagalog, 2025

Himig: César Malan, 1837; harmony ni Lowell Mason, 1841 | HENDON

Salin sa Tagalog © 2025 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa Simbahan o tahanan.

para sa Boses at Gitara

Mosias 3:19