Musika
Ang Pagmamahal ng Diyos


1013

Ang Pagmamahal ng Diyos

1. Bawat sandali ng aking buhay

Ay napapanatag ang puso.

At sa t’wing ang D’yos ang S’yang karamay,

Kadiliman ay naglalaho.

Dahil sa pagmamahal N’ya sa ’kin,

Bawat araw ay may pag-asa;

Sa gitna ng luha at pasanin,

May ligaya’t ginhawa.

2. Bawat araw S’ya’y kaylapit sa ’kin;

Awa at biyaya N’ya’y alay.

Ang kapangyarihan N’ya at bilin

Umaakay at gumagabay.

Bagaman landas ay ’di malinaw,

’Di kinakailangang mangamba.

Ang hatid N’ya sa ’kin araw-araw

Ay lakas at tulong N’ya.

3. Puso ko nawa ay payapain

Sa Inyong pangako’t salita.

At sa t’wing ako’y may suliranin,

O, ako’y palakasin, Ama.

Patibayin N’yo ako’t tulungan

Sa pagsubok at pagkabigo;

Bawat sandali ako’y samahan

Hanggang lupang pangako.

Titik: Lina Sandell-Berg, 1865; salin sa Tagalog, 2025

Himig: Oscar Ahnfelt, 1872; harmony ni Albert Lindström, 1885; binago | BLOTT EN DAG

Salin sa Tagalog © 2025 Intellectual Reserve, Inc.; pagbabago sa himig © 1993 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.

Mateo 6:33–34

Isaias 12:2