Musika
Pumarito, O Panginoon


1018

Pumarito, O Panginoon

1. Pumarito sa sabsaban,

O kaygiliw na Jesus.

Langit ay Inyong nilisan—

Nagpakumbabang lubos.

Magliwanag sa dilim,

Emmanuel, Hari namin.

At kami’y Inyong akayin,

O Panginoon.

2. Pumarito at damayan

Ang may sugatang puso.

Bigyan ng kaginhawahan;

Ang kanlungan ay Kayo.

Awa N’yo’y aming hiling;

O, kami’y pagalingin.

Ang damdami’y panatagin,

O Panginoon.

3. Pumarito, Manunubos,

Aming Tagapaglikha,

Nang pagluha ay matapos

At kami’y mapayapa.

Pumarito na muli;

Mal’walhating maghari.

Luluhod kami’t babati,

O Panginoon.

Titik: Mula sa produksiyon ng Simbahan na Savior of the World: His Birth and Resurrection, 2000; salin sa Tagalog, 2025

Himig: David A. Zabriskie, 2000 | COME, LORD JESUS

© 2000, 2024 Intellectual Reserve, Inc.; salin sa Tagalog © 2025 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.

Alma 7:9–13

Lucas 2:4–7