Musika
Kaysayang Maglingkod kay Jesus


1033

Kaysayang Maglingkod kay Jesus

1. Kaysayang maglingkod kay Jesus,

Magpagal sa Kanyang ubasan.

Karangalang iturong lubos

Ang batas N’ya sa sanlibutan.

S’ya’y tanglaw sa daan;

Kaysayang maglingkod kay Jesus.

S’ya’y tanglaw sa daan;

Susundan natin S’ya nang taos.

2. Ang Kanyang salita’y pakinggan

Nang buong puso’t kaluluwa.

Magpakailan pa ma’y tandaan

Ang dalisay na pag‑ibig N’ya.

Mahalin natin S’ya;

Ang Kanyang salita’y pakinggan.

Mahalin natin S’ya—

Ang pinuno natin kailanman.

3. O, paalam, mga kapatid!

Panahon na ng paglisan ko.

Kung sa D’yos laging nakasandig

Ay muli tayong magtatagpo.

Hanggang sa susunod!

O, paalam, mga kapatid!

Hanggang sa susunod,

Ating D’yos ay makakapiling.

Titik: Andrés C. González, 1912; salin sa Tagalog, 2026

Himig: Joseph P. Webster, 1868; binago | SWEET BY AND BY

Salin sa Tagalog © 2026 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa Simbahan o tahanan.

Jacob 5:70–71

Doktrina at mga Tipan 18:15–16