Musika
Mga Batang Kapit-Bisig sa Mundo


1011

Mga Batang Kapit-Bisig sa Mundo

1. Kami’y mga bata sa buong mundo;

Inaawit namin ang ebanghelyo.

Kami’y matatag, mabuti’t matapat;

Ningning nami’y tanaw ng lahat.

Kami’y nagmula sa bawat lupain,

Mga utos ni Jesus ay susundin,

Hukbong nananalig sa Panginoon,

S’ya’ng lakas sa’nman pumaroon.

[Chorus]

Mga batang kapit-bisig sa mundo,

Ang bandila namin ay ebanghelyo.

Tunay naming gabay

Ang tanglaw N’yang taglay.

Itatag ang kaharian N’ya!

2. Kami’y mga bata sa buong mundo

Na nagbabahagi ng ebanghelyo.

Ang buong puso, lakas, at isipan

Sa gawain N’ya ilalaan.

Kami’y nakipagtipan sa D’yos Ama

At mamumuhay ayon sa nais N’ya.

At ang aming bawat salita’t kilos

Magpapatotoo kay Jesus.

[Chorus]

Mga batang kapit-bisig sa mundo,

Ang bandila namin ay ebanghelyo.

Tunay naming gabay

Ang tanglaw N’yang taglay.

Itatag ang kaharian N’ya!

Titik: Janice Kapp Perry, 2001; salin sa Tagalog, 2025

Himig: Janice Kapp Perry, 2001

© 2001 by Janice Kapp Perry; salin sa Tagalog © 2025 IRI. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.

Alma 53:20–21

I Kay Timoteo 4:12