Musika
Ang Tinapay at Tubig ng Buhay


1008

Ang Tinapay at Tubig ng Buhay

1. Bawat sala, bawat dusa 

Ay inako ni Jesus. 

Upang tayo’y tubusin, 

Ang dugo N’ya’y ’binuhos.

[Chorus]

O Jesus, ang Tinapay 

At Tubig ng Buhay, 

O, ako’y pabanalin, 

Gawing ganap—buo’t dalisay— 

At sa Inyo’y bigkisin.

2. Buhay N’ya’y Kanyang inalay, 

At libinga’y ginapi. 

S’ya ay namatay upang 

Tayo’y mabuhay muli.

[Chorus]

O Jesus, ang Tinapay 

At Tubig ng Buhay, 

O, ako’y pabanalin, 

Gawing ganap—buo’t dalisay— 

At sa Inyo’y bigkisin.

3. Sa altar, bagbag kong puso’y 

’Sinusuko sa Kanya. 

Nais ko’y biyaya ng 

Pagbabayad-sala N’ya.

[Chorus]

O Jesus, ang Tinapay 

At Tubig ng Buhay, 

O, ako’y pabanalin, 

Gawing ganap—buo’t dalisay— 

At sa Inyo’y bigkisin.

Titik: Annette W. Dickman, 2011; salin sa Tagalog, 2025

Himig: Annette W. Dickman, 2011 | HEALING GRACE

© 2024 Intellectual Reserve, Inc.; salin sa Tagalog © 2025 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.

para sa Boses at Gitara

Juan 6:35, 47–51

Juan 4:6–15