1039
Sapagkat
1. ’Pagkat Kanyang tinahak ang daan,
Alam ko ang landas na susundan.
’Pagkat mga kapansanan ay nilunasan N’ya
At bawat bata’y minahal, pag‑ibig N’ya’y dama.
[Chorus]
T’wina’y papapurihan
Ang Tagapagligtas.
S’ya’y aking aawitan
Nang may saya’t lakas.
’Pagkat ang buhay N’ya’y ’binigay
Para sa ’kin,
Pag‑asa’t buhay aking kakamtin.
2. ’Pagkat ang kamataya’y ginapi,
Mabubuhay ako na mag‑uli.
’Pagkat Kaibigan S’yang tunay, liwanag ng mundo,
Sa pagbalik N’ya’y luluhod at sasamba ako.
[Chorus]
T’wina’y papapurihan
Ang Tagapagligtas.
S’ya’y aking aawitan
Nang may saya’t lakas.
’Pagkat ang buhay N’ya’y ’binigay
Para sa ’kin,
Pag‑asa’t buhay aking kakamtin.
Titik: Shawna B. Edwards, 2006; salin sa Tagalog, 2026
Himig: Shawna B. Edwards, 2006; isinaayos, 2025
© 2006, 2025 Shawna B. Edwards; salin sa Tagalog © 2026 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa Simbahan o tahanan.
1 Juan 4:19