Musika
Tuwing ang Tinapay ay Tatanggapin


1007

Tuwing ang Tinapay ay Tatanggapin

1. T’wing ang tinapay tatanggapin,

Bagbag na puso’y humihiling.

Nawa ay aming magunita

Ang katawan N’yong nagdusa.

2. Tubig na aming iinumin

Dugo N’yong alay para sa ’min.

Nawa kami’y dalisayin N’yo,

Pabanalin aming puso.

3. Inyong baguhin nang lubusan

Ang aming puso at isipan.

Nawa kami’y mapatawad N’yo,

Dinggin ang aming pagsamo.

4. Jesus, kami ay tulungan N’yo

Na matularan namin Kayo.

Nawa landas N’yo ay makita;

Ang ’Spiritu’y ipadama.

Sa Huling Hapunan, ang Tagapagligtas ay “dumampot ng tinapay; at nang siya’y makapagpasalamat, ito ay kanyang pinagputul-putol, at sinabi, ’Ito’y aking katawan na pinagputul-putol para sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akin’” (1 Corinto 11:23–24). Ang laman ng Tagapagligtas ay matinding nagkasugat-sugat nang Siya ay malupit na hinagupit at ipinako sa krus. Ngunit bilang katuparan ng propesiya, wala ni isa mang buto Niya ang binali (tingnan sa Juan 19:32–36).

Titik: Stephen A. Reynolds, 2018; salin sa Tagalog, 2025

Himig: Stephen A. Reynolds, 2018 | WHEELER PARK

© 2024 Intellectual Reserve, Inc.; salin sa Tagalog © 2025 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.

I Mga Taga-Corinto 11:23–26

3 Nephi 18:3–13