Musika
Lugar na Kaybanal


1026

Lugar na Kaybanal

1. Sa templong kayganda’t banal,

Langit damang lubos.

Doo’y ating ginagawa

Ang gawain ni Jesus.

[Chorus]

Ako’y mananatili

Sa lugar na kaybanal,

Hanggang ang mundo’y dalisayin na

Ng Panginoon.

2. Tahanan ay kayang gawing

Tahimik at banal.

Doo’y matututuhan ding

Magtiwala’t magdasal.

[Chorus]

Ako’y mananatili

Sa lugar na kaybanal,

Hanggang ang mundo’y dalisayin na

Ng Panginoon.

3. Ang puso ko’y kayang maging

Payapa at banal.

Doo’y pag-asa at ningning

Ng Espiritu’y dama.

[Chorus]

Ako’y mananatili

Sa lugar na kaybanal,

Hanggang ang mundo’y dalisayin na

Ng Panginoon.

Titik: Sherrie Manwill Boren, 2019; salin sa Tagalog, 2025

Himig: Sherrie Manwill Boren, 2019 | MANWILL

© 2019 Intellectual Reserve, Inc.; salin sa Tagalog © 2025 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa Simbahan o tahanan.

Doktrina at mga Tipan 87:8

Doktrina at mga Tipan 109:13