1006
Awit na Banal
1. Awit na banal, magbibigay-sigla;
Isaisip ang himig at salita.
Madarama ng puso ang ’Spiritu ng D’yos;
Mapapanatag ka nang lubos.
2. Awit na banal, magbibigay-galak
’Pag natatakot o ’pag umiiyak.
Madarama ng puso ang ’Spiritu ng D’yos;
Mapapanatag ka nang lubos.
Titik: Marlene Summers Merkling, 2013; salin sa Tagalog, 2025
Himig: Marlene Summers Merkling, 2013
© 2024 Intellectual Reserve, Inc.; salin sa Tagalog © 2025 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.
Doktrina at mga Tipan 25:11–12
Juan 14:16–18, 27