1015
O, ang Pag-ibig ni Cristo
1. O, ang pag-ibig ni Cristo—
Tulad ng karagatan—
’Di masukat at kaylalim
At walang katapusan!
At sa aki’y bumabalot
Ang pag-ibig N’yang sakdal,
At pumapatnubay tungong
Pahingahan N’yang banal.
2. O, ang pag-ibig ni Cristo—
Saanman S’ya’y sambahin!
Kanyang awa’t kabutihan
Ay ipagpitagan din.
Namatay, namamagitan
Nang tayo’y maging Kanya.
At mula sa kalangitan
Ay nakasubaybay S’ya.
3. O, ang pag-ibig ni Cristo—
Kaydalisay, kaywagas—
S’ya’ng bukal ng pagpapala
At kanlungang kayligtas.
O, ang pag-ibig ni Cristo—
Langit ’pinararamdam
At sa aki’y umaakay
Tungong kawalang-hanggan.
Titik: Samuel Trevor Francis, 1898; salin sa Tagalog, 2025
Himig: Stephen M. Jones, 2023 | DEEP LOVE
Salin sa Tagalog © 2025 Intellectual Reserve, Inc.; himig © 2024 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.
Mga Taga-Efeso 3:17–19
I Juan 4:9–10