Musika
Awit ng Pagkabuhay na Muli


1205

Awit ng Pagkabuhay na Muli

1. Bumangon, magbunyi!

Nabuhay S’yang muli!

Lahat umawit, magpuri

Kay Cristo na Hari.

Tayo’y napalaya

Sa gapos ng sala.

Dahil sa pagkabuhay N’ya,

May bagong simula.

2. Napagtagumpayan

Ang krus at libingan;

Pinawi ang kadiliman,

Hapdi’t kalungkutan.

Nang dahil kay Jesus,

Tayo ay natubos.

Nabuhay ang Manunubos!

Ligaya ay lubos!

3. Tayo’y pinagpala

Ng Tagapaglikha;

Sa pagbabayad-sala N’ya

Tayo’y umaasa.

’Di na maninimdim

’Pag S’ya ay dumating.

Mga papuri’y sambitin,

At S’ya ay sambahin!

Titik: Larry A. Hiller, 2024; salin sa Tagalog, 2025

Himig: George J. Elvey, 1868 | DIADEMATA

Salin sa Tagalog © 2025 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa Simbahan o tahanan.

Mosias 16:6–9

Alma 7:11–13