Musika
Kay Cristo ay Bumaling Ka


1032

Kay Cristo ay Bumaling Ka

1. Ang alinlanga’y alisin.

Sulong.

Kaliwanaga’y kakamtin.

Sulong.

Balang‑araw makikita

Si Cristo na tanglaw t’wina.

O, tanggapin liwanag N’ya.

Sulong.

2. Bagyo’t baha ma’y dumating,

Sulong.

At kung unos ma’y harapin,

Sulong.

Kalinga N’ya’y madarama.

O, manalangin sa Kanya,

Manalig ka’t h’wag mangamba.

Sulong.

3. Nangungutya man ang mundo,

Sulong.

Pagsubok lilinang sa ’yo.

Sulong.

Wala nang hihigit pa sa

Puso’t isipan ng Ama.

Kay Cristo ay bumaling ka.

Sulong.

4. O mga pusong sugatan:

Sulong.

Pulos‑tinik man ang daan,

Sulong.

Balang‑araw liligaya

At magpupuri sa Kanya.

Kailan pa ma’y kasama S’ya.

Sulong.

Titik: Sherrie Manwill Boren, 2019; salin sa Tagalog, 2026

Himig: Sherrie Manwill Boren, 2019 | MOUNT MAHOGANY

© 2025 Intellectual Reserve, Inc.; salin sa Tagalog © 2026 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa Simbahan o tahanan.

Doktrina at mga Tipan 6:36

Jacob 3:1