Musika
Aking Pastol ang Tutustos


1014

Aking Pastol ang Tutustos

1. Aking Pastol ang tutustos

Sa aking kailangan.

S’ya ang aking Manunubos;

Jehova ang ngalan.

Ako’y Kanyang ’nililigtas

Mula sa karimlan;

Naliligaw man ng landas,

Ang awa N’ya’y nar’yan.

2. Sa lilim ng kamatayan,

Kayo’y sandigan ko.

Pangangamba’y maiibsan

Sa salita Ninyo.

Sa harapan ng kaaway,

Ako’y pinagpala.

Umaapaw sa ’king buhay

Sakdal N’yong biyaya.

3. Pagpapala ng aking D’yos

Sa ’ki’y nakalaan.

O, tanggapin akong lubos

Sa Inyong tahanan.

Doon ay mahahanap ko

Ang pahinga’t galak.

’Di na ’ko panauhin

N’yo Kundi Inyong anak.

Titik: Isaac Watts, 1719; batay sa Mga Awit 23; salin sa Tagalog, 2025

Himig: Katutubong himig ng America; The Beauties of Harmony, 1828; isinaayos, 2024 | RESIGNATION

Salin sa Tagalog © 2025 Intellectual Reserve, Inc.; areglo © 2024 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.

Awit 23

Juan 10:11–15