1010
O, Kaydakilang Biyaya
1. O, kaydakilang biyaya
Sa aki’y nagligtas!
Noo’y ligaw; nahanap na.
Namulat sa wakas.
2. May pangakong pagpapala
Sa akin si Jesus.
Kabahagi’t kanlungan S’ya,
Pag-asa kong lubos.
3. Tukso’t pagsubok sa buhay
Napagtagumpayan.
Biyaya N’ya’y aking gabay
Magpakailan pa man.
Titik: John Newton, 1779; salin sa Tagalog, 2025
Himig: Katutubong himig ng America, ika-19 na siglo; isinaayos, 2024 | NEW BRITAIN
Music arr. © 2024 by Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.
II Mga Taga-Corinto 12:9–10