1019
Magmahal na Katulad Ninyo
1. Aking Ama, dalangin ko
Na magmahal na katulad N’yo
At makapagkawanggawa
Sa ’king kapwa sa t’wina.
2. Tulong ko’y ’di ’pagkakait
Sa nangangailangang lalapit.
Paglilingkod ko sa iba,
Sa Inyo ri’y ginawa.
3. O, nawa’y ma’saisip ko
Na bawat tao’y anak Ninyo;
Sa ’ki’y makita nang lubos
Ang larawan ni Jesus.
4. Sa pag‑ibig at awa N’yo,
Taos ang pasasalamat ko.
Tulungan N’yo ’kong mahalin
Mga tupa N’yong bilin.
Titik: Heather D. Zurcher, 2018; salin sa Tagalog, 2025
Himig: Heather D. Zurcher, 2018 | TO LOVE LIKE THEE
© 2018, 2025 Heather D. Zurcher; salin sa Tagalog © 2025 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.