Musika
O Bukal ng Pagpapala


1001

O Bukal ng Pagpapala

1. O Bukal ng pagpapala,

Sa ’king puso’y umagos.

Batis ng awa’t biyaya

Pupurihin nang taos.

O, nawa ako’y turuan

Ng dalisay na himig.

Papurihan ang Saligang

Pantubos ay pag-ibig.

2. Ebenezer, ang sagisag,

Alay sa pagtulong N’yo.

Iligtas sa pagkabihag

Ang ligaw na puso ko.

Si Jesus, Pastol ng kawan,

Na sa aki’y humanap,

S’ya’ng saklolo at sandigan;

Pagtubos N’ya’y kayganap.

3. Ang sakdal Ninyong biyaya

’Di ko matutumbasan!

Bigkisin sa Inyong awa

Pusong makasalanan.

Kung sakali mang lisanin

Ang minamahal kong D’yos,

Puso ko’y Inyong sakupin,

Tanggapin Ninyong lubos.

Titik: Robert Robinson, 1758; salin sa Tagalog, 2025

Himig: Katutubong himig ng America; Wyeth’s Repository of Sacred Music, Part Second, 1813; binago; isinaayos, 2024 | NETTLETON

Salin sa Tagalog © 2025 Intellectual Reserve, Inc.; areglo © 2024 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.

I Samuel 7:7–12

Alma 5:26–27