1207
Payapang Masdan
1. Payapang
Masdan ang ’Sinilang!
S’ya’y hinehele ni Maria
At minamahal sa t’wina.
Payapang
Masdan ang ’Sinilang!
2. Tulog na,
Kaygiliw na Bata!
Mga anghel ay nagdiriwang;
Bata ay inaawitan.
Tulog na,
Kaygiliw na Bata!
3. Kaysakdal
Kanyang pagmamahal!
S’ya’y bumaba mula luklukan;
Sa mundo ay nanirahan.
Kaysakdal
Kanyang pagmamahal!
Titik: Awiting pamasko ng Austria; Salzburgische Volks-Lieder, 1865; salin sa Tagalog, 2026
Himig: Awiting pamasko ng Austria; Salzburgische Volks-Lieder, 1865; isinaayos, 2025 | STILL, STILL, STILL
Salin sa Tagalog © 2026 Intellectual Reserve, Inc.; areglo © 2025 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa Simbahan o tahanan.
Lucas 2:4–14