Musika
Halina at Dinggin si Cristo


1031

Halina at Dinggin si Cristo

1. Halina at dinggin si Cristo

At pahayag N’ya sa atin.

Muli ay nagbukas ang langit;

Umawit at S’ya’y sambahin!

2. Tayo’y ililigtas ni Cristo;

Kadilima’y madaraig.

Lahat ng bagay titipunin;

Katotohana’y lalawig.

3. Paparating ang Manunubos;

O, sinong mananatili?

Mananaig ang katarungan

’Pag sa mundo S’ya’y naghari.

4. Mga bundok ay magdiriwang;

Hatid N’ya’y kapayapaan!

Walang hanggan banal N’yang turo.

L’walhati sa Kanyang ngalan!

Titik: Frans Heijdemann, 1992; salin sa Tagalog, 2025

Himig: Frans Heijdemann, 1992; binago | LUISTER NAAR HET WOORD DES HEREN

© 1992, 2025 Intellectual Reserve, Inc.; salin sa Tagalog © 2025 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa Simbahan o tahanan.

Doktrina at mga Tipan 84:99–102

Doktrina at mga Tipan 128:23