Musika
Siya ang Cristo


1017

Siya ang Cristo

1. May narinig silang tinig

Na yumanig sa kalul’wa nila,

At namasdan nang dumating

Ang nagdusa para sa kanila.

Nang nasalat ang sugat N’ya,

Lahat ay naghayag: “Si Cristo S’ya.”

[Chorus]

Si Cristo S’ya, banal na D’yos Anak—

Panginoon at Tagapagligtas.

Si Cristo S’ya, at tayo’y tinubos

Na may pag-ibig na wagas.

2. Nalaman ko Kanyang dasal

No’ng sa Getsemani S’ya’y yumuko,

Naramdamang ako’y mahal

Sa bawat tulo ng Kanyang dugo.

Ako’y sasamang sisigaw,

Magpapatotoo: “Si Cristo S’ya.”

[Chorus]

Si Cristo S’ya, banal na D’yos Anak—

Panginoon at Tagapagligtas.

Si Cristo S’ya, at tayo’y tinubos

Na may pag-ibig na wagas.

Titik: James E. Faust at Jan Underwood Pinborough, 1988; salin sa Tagalog, 2025

Himig: Michael Finlinson Moody, 1995; binago | THIS IS THE CHRIST

© 1995, 2024 Intellectual Reserve, Inc.; salin sa Tagalog © 2025 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.

para sa Boses at Gitara

3 Nephi 11:3–17

Lucas 22:41–44