1030
Sa Aking Pagdarasal
1. Bawat saglit, araw man o gabi,
Ang D’yos Ama ay nasa aking tabi.
’Pag aking tinawag, S’ya’y nar’yan lagi;
Ramdam ko na malapit S’ya
Sa ’king pagdarasal.
2. T’wing ako sa Kanya’y nagpupuri,
Alam kong sa akin S’ya’y nakangiti.
At ’pag mag-isa at walang kakampi,
Ramdam ko na malapit S’ya
Sa ’king pagdarasal.
Maaaring tawagin ang D’yos, kailanman at sa’nman.
T’wing ako ay nagdarasal,
S’ya ay malapit lang.
3. Kahit paano akong magdasal,
Ako ay maririnig ng Maykapal.
Tiyak ang pangako N’ya’t pagmamahal.
Ramdam ko na malapit S’ya
Sa ’king pagdarasal.
Titik: Sally DeFord, 2017; salin sa Tagalog, 2025
Himig: Sally DeFord, 2017; binago
© 2017, 2025 Sally DeFord; salin sa Tagalog © 2025 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa Simbahan o tahanan.