Mga Kurso Tungkol sa mga Banal na Kasulatan
Exodo 35–40; Levitico 1; 4; 16; 19


isang paglalarawan ng tabernakulo

Isang paglalarawan ng tabernakulo

Exodo 35–40; Levitico 1; 4; 16; 19

Sinunod ng mga Israelita ang utos ng Panginoon na magtayo ng tabernakulo sa ilang. Ang tabernakulo ay isang naililipat na santuwaryo kung saan maaaring manahan ang Panginoon kasama ng Kanyang mga tao habang naglalakbay sila. Bilang bahagi ng kanilang pagsamba sa tabernakulo, nagsasagawa ang mga Israelita ng mga pag-aalay ng hayop. Ang mga handog na ito ay sumisimbolo kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala. Ipinakita rin ng mga ito ang patuloy na katapatan ng Israel sa pagsasakripisyo ng anumang hinihiling sa kanila ng Panginoon.

Mga Karagdagang Resource

Mga Tulong sa Banal na Kasulatan: Lumang Tipan, “Exodo 35–40; Levitico 1; 4; 16; 19.”

Paalala: Ang “Pambungad sa Kurso” ay nagbibigay ng patnubay sa kung paano gamitin ang sumusunod na mga pamantayang elemento ng lesson.

icon ng pag-aaral
Paghihikayat ng Personal na Pag-aaral

Bago magklase, maaari kang magpadala sa mga estudyante ng isa o higit pa sa mga sumusunod na mensahe o ng ilan sa mga sarili mong mensahe:

  • Tulad ng mga templo sa ating panahon, ang sinaunang tabernakulo na itinayo ng mga Israelita sa ilang ay bahay ng Panginoon at nagpatotoo ito tungkol sa Kanya. Habang pinag-aaralan ninyo ang Exodo 35–40, isipin kung paano tumutukoy kay Jesucristo ang iba’t ibang elemento ng tabernakulo.

  • Ang pag-aalay ng hayop ay tila kakaiba sa mga tao ngayon, ngunit layon nitong ituro ang tungkol kay Jesucristo at ang Kanyang Pagbabayad-sala. Habang binabasa ninyo ang Levitico 1 at 16, maghanap ng mga salita o parirala na nagpapaalala sa inyo kay Jesucristo.

  • Ang iba’t ibang aspeto ng pag-aalay ng hayop ay maaaring simbolikong nauugnay sa mga sakripisyong hinihiling ng Panginoon sa atin ngayon. Habang pinag-aaralan ninyo ang Levitico 1:1–9, isipin kung ano ang maituturo sa inyo ng mga talatang ito tungkol sa paggawa ng mga sakripisyo para sa Panginoon ngayon.

icon ng pagtalakay
Mga Tanong at Pagbabahagi

Bigyan ng oras ang mga estudyante para magtanong at magbahagi ng mga kabatiran at katotohanan na natuklasan nila sa personal na pag-aaral nila ng Exodo 35–40 at Levitico 1; 4; 16; 19.

icon ng pagsasanay ng kasanayan
Pagsasanay ng Kasanayan

Ang aktibidad sa pag-aaral para sa Levitico 1; 16 ay maaaring makatulong sa paggamit ng kasanayang “Pag-unawa sa Simbolismo sa mga Banal na Kasulatan” sa Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan.

icon ng mga opsiyon sa aktibidad sa pag-aaral
Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral

Maraming opsiyon sa pag-aaral ang nakalaan para sa iyo at sa mga estudyante mo. Mapanalanging piliin kung aling opsiyon o mga opsiyon ang magiging pinakamakabuluhan para sa klase mo. Maaari ka ring humingi ng input mula sa iyong mga estudyante.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo at Pag-aaral

Maghanap ng mga sagisag na nagpapatotoo tungkol kay Jesucristo. Habang pinag-aaralan ninyo ng mga estudyante mo ang mga materyal sa linggong ito, hanapin ang makapangyarihang simbolismo na nagpapatotoo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong matuto mula sa Espiritu Santo habang pinagninilayan nila kung ano ang maaaring katawanin ng mga sagisag na ito. Upang matuto pa, tingnan sa “Maghanap ng mga Simbolo na Nagpapatotoo kay Jesucristo” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 7).

Exodo 35–40

Ano ang maituturo sa akin ng templo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magbahagi ng larawan ng templong nabisita na nila o templong gustong-gusto nila. Maaari mo ring idispley ang ilan sa mga sumusunod na larawan ng loob ng mga templo.

bautismuhan
silid-selestiyal
tabing sa templo

Maaaring ibahagi ng mga estudyante kung ano ang kahulugan ng templo para sa kanila o anumang naiisip o nadarama nila kapag nakikita nila ang templo. Hikayatin ang mga estudyante na isipin kung ano ang maituturo sa kanila ng templo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo habang nag-aaral sila ngayon.

Ipaliwanag na pagkatapos ibigay ng Panginoon ang Sampung Utos sa mga Israelita, bumalik si Moises sa Bundok ng Sinai upang tumanggap ng mga karagdagang tagubilin mula sa Panginoon.

Ipabasa sa mga estudyante ang Exodo 25:8, at alamin ang nais ng Panginoon na gawin ng mga anak ni Israel at kung bakit.

  • Ano ang maituturo sa inyo ng utos na ito tungkol sa Panginoon at kung ano ang nararamdaman Niya sa Kanyang mga tao?

Ipaliwanag na binigyan ng Panginoon si Moises ng mga tagubilin para sa pagtatayo ng santuwaryo o tabernakulo. Bagama’t ang sinaunang tabernakulo ay ginamit sa ilalim ng batas ni Moises at kung gayon ay ginamit sa mga paraang naiiba sa mga modernong templo, parehong bahay ng Panginoon ang mga ito. Tulad ng mga modernong templo, simbolo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang mga bagay na nasa loob at ang mga ordenansa ng tabernakulo at idinisenyo ang mga ito upang tulungan ang mga anak ni Israel sa kanilang paglalakbay pabalik sa Kanila.

Maaari kang magdrowing o magdispley ng larawang tulad ng sumusunod upang ipakita ang pagkakaayos ng tabernakulo noong panahon ni Moises.

paglalarawan ng pagkakaayos ng sinaunang tabernakulo

Sabihin sa mga estudyante na gamitin ang mga banal na kasulatan na nakalista sa sumusunod na talahanayan upang malaman ang ilan sa mga elemento ng tabernakulo. (Maaaring makatulong na ipakilala at gamitin dito ang “Pag-unawa sa Simbolismo sa mga Banal na Kasulatan,” sa Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan. Maaari mo ring ituon ang mga estudyante sa “Exodo 35–40. Ano ang layunin ng tabernakulo?” sa Mga Tulong sa Banal na Kasulatan: Lumang Tipan o ipalabas ang video na “The Tabernacle [Ang Tabernakulo]” [7:18] upang tulungan silang malaman ang tungkol sa iba’t ibang bagay sa loob ng tabernakulo.)

7:22

Elemento ng Tabernakulo

Mga Talata

Kaugnay na mga Banal na Kasulatan

Elemento ng Tabernakulo

Dambana ng handog

Mga Talata

Exodo 38:1

Kaugnay na mga Banal na Kasulatan

2 Nephi 2:6–7; Moises 5:4–7

Elemento ng Tabernakulo

Hugasan

Mga Talata

Exodo 38:8; 40:30–32

Kaugnay na mga Banal na Kasulatan

Isaias 1:16; 3 Nephi 27:19–20

Elemento ng Tabernakulo

Kandelero (menorah)

Mga Talata

Exodo 37:17–24

Kaugnay na mga Banal na Kasulatan

Levitico 24:2–4; Mga Awit 119:105; Juan 8:12

Elemento ng Tabernakulo

Dambana ng insenso

Mga Talata

Exodo 37:25–29; 40:26–27

Kaugnay na mga Banal na Kasulatan

Mga Awit 141:2; Apocalipsis 8:3–4

Elemento ng Tabernakulo

Hapag ng tinapay

Mga Talata

Exodo 40:22–23; Levitico 24:5–9

Kaugnay na mga Banal na Kasulatan

Lucas 22:19; Juan 6:35

Elemento ng Tabernakulo

Tabing

Mga Talata

Exodo 26:31–33; 36:35; 40:21

Kaugnay na mga Banal na Kasulatan

Mga Hebreo 10:19–20; Juan 14:6

Elemento ng Tabernakulo

Kaban ng tipan at ang luklukan ng awa nito

Mga Talata

Exodo 37:1–9; 40:20–21

Kaugnay na mga Banal na Kasulatan

Mga Hebreo 9:3–5

Kapag tapos nang mag-aral ang mga estudyante, anyayahan silang ibahagi ang natutuhan nila sa ka-partner o sa maliit na grupo. Maaari ninyong sama-samang talakayin ang mga sumusunod na tanong bilang isang klase.

  • Anong mga simbolo ang naging makabuluhan sa inyo? Bakit?

  • Sa palagay ninyo, paano maaaring ituon ng mga sagisag na ito ang mga anak ni Israel sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang mga katotohanang nalaman nila sa kanilang pag-aaral tungkol sa tabernakulo na maiuugnay rin sa mga modernong templo. Maaaring magbahagi ang mga estudyante ng mga katotohanang tulad ng mga ito: Inuutusan tayo ng Panginoon na magtayo ng mga templo upang makapanirahan Siyang kasama natin. Ang mga ordenansa at simbolo ng templo ay nagtuturo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Tinutulungan tayo ng templo na maghandang bumalik sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Maaari kang pumili ng isa sa mga sumusunod na opsiyon upang tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang mga katotohanang natukoy nila:

  1. Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng isang pahayag tungkol sa mga templo o mga ordenansa sa templo sa isang kamakailang mensahe sa pangkalahatang kumperensya. Maaari nilang ibahagi sa ka-partner o sa maliit na grupo ang pahayag at kung bakit ito makabuluhan sa kanila.

  2. Bigyan ng oras ang mga estudyante para bumisita sa ChurchofJesusChrist.org/temples at maghanap ng mga karagdagang kabatiran tungkol sa templo.

  3. Sama-samang panoorin ang mga video na “Two Apostles Lead a Virtual Tour of the Rome Italy Temple [Pinangunahan ng Dalawang Apostol ang Virtual Tour sa Rome Italy Temple]” (11:31) o “Welcome to the Washington D.C. Temple [Maligayang Pagdating sa Washington D.C. Temple]” (11:45) at hayaan ang mga estudyante na magbahagi ng kanilang natutuhan tungkol sa kung paano nagpapatotoo ang mga modernong templo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

    10:37
    11:45

Maaari mo ring idispley ang sumusunod na pahayag ni Sister J. Anette Dennis at hayaan ang mga estudyante na ibahagi kung ano ang makabuluhan sa kanila.

Sister J. Anette Dennis

“Lahat ng ginagawa natin sa templo ay nakatuon sa plano ng ating Ama para sa atin, na ang sentro nito ay ang Tagapagligtas at ang Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo. Tuturuan tayo ng Panginoon nang taludtod sa taludtod sa pamamagitan ng simbolismo ng mga ordenansa at tipan kapag binuksan natin ang ating puso at mapanalanging hinangad na maunawaan ang mas malalim na mga kahulugan.” (“Ibihis Ninyo ang Panginoong Jesucristo,” Liahona, Mayo 2024, 11)

Maaari ninyong sama-samang talakayin ang mga sumusunod na tanong bilang isang klase:

  • Paano kayo itinutuon ng templo sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

  • Paano kayo pinagpala ng mga ordenansa at tipan ng templo?

Maaari mong anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi sa klase ang isang bagay na natutuhan o nadama nila ngayon na nais nilang maalala. Kung nakatira kayo malapit sa isang templo, hikayatin ang mga estudyante na dumalo sa templo o bumisita sa paligid ng templo ayon sa kanilang mga kalagayan. Sabihin sa kanila na maghanap ng mga simbolong patungkol kay Jesucristo sa mga ordenansa o simbolo ng templo.

Bumalik sa “Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”

Levitico 1; 16

Paano ako matutulungan ng pag-aalay ng hayop na maunawaan ang Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas?

Maaari kang magsimula sa pamamagitan ng pagpapakilala sa kasanayang “Pagtuon kay Jesucristo sa mga Banal na Kasulatan” sa Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan. Maaari mo ring itanong ang sumusunod:

  • Ano ang nalaman ninyo tungkol kay Jesucristo sa kamakailang pag-aaral ninyo ng mga banal na kasulatan?

Ipaliwanag na ang aklat ng Levitico ay nakatuon sa mga ordenansa at ritwal na nauugnay sa batas ni Moises. Kabilang dito ang detalyadong mga tagubilin para sa mga handog na inaalay, na simbolo ng nagbabayad-salang sakripisyo ni Jesucristo (tingnan sa Alma 34:14; Moises 5:5–7).

Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang Levitico 1:1–9 o Levitico 16:7–9, 15–22 kasama ang entry para sa Levitico 1–7 o Levitico 16 sa Mga Tulong sa Banal na Kasulatan: Lumang Tipan. Habang nag-aaral sila, sabihin sa kanila na maghanap ng mga salita o parirala na nagpapaalala sa kanila kay Jesucristo at sa Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo.

Kapag tapos na ang mga estudyante, anyayahan silang ibahagi sa ka-partner o sa maliit na grupo ang kanilang mga kabatiran. Pagkatapos ay hilingin sa ilang estudyante na ibahagi sa klase ang kanilang mga kabatiran. Kabilang sa ilang katotohanan na maaaring ibahagi ng mga estudyante ang mga ito: Kusang-loob na inialay ni Jesucristo ang Kanyang sarili bilang isang sakripisyo para sa atin. Sa pamamagitan ng Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo, binayaran ni Jesucristo ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pag-ako Niya sa mga ito. Mapapatawad tayo sa ating mga kasalanan dahil kay Jesucristo.

Maaari mong idispley ang sumusunod na larawan habang tinatalakay ang tanong sa ibaba.

ang pagpapako sa krus

The Crucifixion [Ang Pagpapako sa Krus], ni Harry Anderson

  • Ano ang makatutulong sa atin na maalala si Jesucristo at ang Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo at makadama ng pasasalamat sa Kanya? (Bilang bahagi ng talakayang ito, maaaring makatulong na ipaalala sa mga estudyante na “ang utos na mag-alay ng mga hain na hayop ay nagwakas sa pagkamatay ni Jesucristo. Sa Simbahan ngayon, ang ordenansa ng sacrament ay nagpapaalala sa nagbabayad-salang sakripisyo ng Tagapagligtas” [Mga Paksa at Mga Tanong, “Sakripisyo,” Gospel Library].)

Maaari mong bigyan ng oras ang mga estudyante para pagnilayan at itala ang kanilang mga iniisip tungkol kay Jesucristo at kung ano ang kahulugan ng Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo para sa kanila. Upang maihanda silang gawin ito, maaari ninyong kantahin o pakinggan ang isang himno sa sakramento na tulad ng “Ako ay Namangha” o “Tuwing ang Tinapay ay Tatanggapin” (Gospel Library), o maaari ninyong panoorin ang “For God So Loved the World [Sapagkat Gayon na Lamang ang Pag-ibig ng Diyos sa Sanlibutan]” (4:48).

4:49

Para tapusin ang lesson, maaari mong ibahagi ang iyong patotoo tungkol kay Jesucristo o anyayahan ang ilang estudyante na gawin ito. Maaari mo ring ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Dallin H. Oaks:

Pangulong Dallin H. Oaks

Tiniis ni Jesucristo ang hindi matantong pagdurusa upang gawin ang Sarili Niya bilang sakripisyo para sa kasalanan ng lahat ng tao. Ang pagsasakripisyong iyon ay nag-alay ng pinakasukdulang kabutihan—Korderong walang kapintasan—para sa pinakasukdulang dami ng kasamaan—ang mga kasalanan ng buong sanlibutan. Sa mga di-malilimutang salita ni Eliza R. Snow:

Ibinuhos N’ya ang sariling dugo;

Buhay N’ya ay isinuko,

Ang walang salang alay sa tao,

Upang iligtas ang mundo.

Ang sakripisyong iyon—ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo—ay nasa sentro ng plano ng kaligtasan. (“Sakripisyo,” Liahona, Mayo 2012, 19)

Bumalik sa “Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”

Levitico 1:1–9

Paano ko masusunod ang batas ng sakripisyo ngayon?

Isulat ang salitang sakripisyo nang kitang-kita sa gitna ng pisara. Tanungin ang iyong mga estudyante kung ano ang naiisip o nadarama nila kapag nakikita ang salitang iyon.

Sabihin sa mga estudyante na isipin kung gaano sila kahandang magsakripisyo para sa Ama sa Langit. Habang nag-aaral sila ngayon, hikayatin silang maghanap ng mga katotohanan na makatutulong sa kanilang mga pagsisikap na ipamuhay ang batas ng sakripisyo ng Panginoon.

Ipaliwanag na naglalaman ang Levitico 1 ng mga tagubilin ng Panginoon na magsagawa ang mga Israelita ng mga handog na susunugin. Araw-araw na nagsasagawa ang mga saserdote ng ganitong paghahandog. Ang mga handog ay maituturing na sumisimbolo sa Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas. Ang mga ito ay palatandaan ng patuloy na katapatan ng Israel sa Panginoon.

Sabihin sa mga estudyante na alamin ang kahulugan ng salitang sakripisyo sa sumusunod na pahayag ni Bishop L. Todd Budge ng Presiding Bishopric:

Bishop L. Todd Budge

Sa makabagong paggamit, ang salitang sakripisyo ay nagpapahiwatig ng “pagsuko” ng mga bagay-bagay para sa Panginoon at sa Kanyang kaharian. Gayunman, noong sinaunang panahon, ang kahulugan ng salitang sakripisyo ay mas iniugnay sa dalawang salitang-ugat nito na Latin: sacer, na ang ibig sabihin ay “sagrado” o “banal,” at facere, na ang ibig sabihin ay “gawin.” Kung gayon, noong sinauna, ang ibig sabihin ng sakripisyo ay literal na “gawing banal ang isang bagay o isang tao.” Sa kahulugang ito, ang sakripisyo ay proseso upang maging banal at makilala ang Diyos, hindi isang pangyayari o ritwal na “pagsuko” ng mga bagay-bagay para sa Panginoon. …

Ang sakripisyo ay hindi gaanong tungkol sa “pagsuko ng” anumang bagay, ito ay tungkol lalo na sa “pagbibigay sa” Panginoon. (“Pagbibigay ng Kabanalan sa Panginoon,” Liahona, Nob. 2021, 101)

  • Ano ang ipinauunawa sa inyo ng salaysay na ito tungkol sa layunin ng sakripisyo? (Maaaring matukoy ng mga estudyante ang katotohanang tulad nito: Ang pagsasakripisyo para sa Panginoon ay tumutulong sa atin na maging banal at mas mapalapit sa Kanya.)

Maaari mong idispley ang mga sumusunod na tagubilin at bigyan ng oras ang mga estudyante para tapusin ang aktibidad sa pag-aaral:

  1. Pag-aralan ang Levitico 1:1–9, at alamin ang mga aspeto ng pag-aalay ng hayop na maaaring may kaugnayan sa pagsasakripisyo para sa Panginoon ngayon.

  2. Maghanap ng mga karagdagang banal na kasulatan o pahayag mula sa mga lider ng Simbahan na tutulong sa inyo na maunawaan kung paano ipamuhay ang batas ng sakripisyo sa ating panahon. Kabilang sa mga halimbawa ang Roma 12:1–2; Omni 1:26; 3 Nephi 9:19–20.

Pagkatapos magkaroon ng sapat na oras ang mga estudyante upang mag-aral, anyayahan silang ibahagi sa ka-partner o sa maliit na grupo ang mga nalaman nila. Maaari mo ring sabihin sa kanila na talakayin ang mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang maaari nating matutuhan tungkol sa pagsasakripisyo mula sa buhay ni Jesucristo? (Maaari kang maghanap ng mga halimbawang maibabahagi mula sa banal na kasulatan.)

  • Paano makatutulong sa inyo ang gumawa ng mga sakripisyo upang matulungan kayo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo na maging higit na katulad Nila?

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga pagkakataong kusang-loob silang nagsakripisyo para sa Panginoon. Anyayahan ang ilang handang estudyante na ibahagi ang kanilang karanasan at kung paano sila pinagpala ng Panginoon.

Sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano nila lubos na maipamumuhay ang batas ng sakripisyo ng Panginoon. Bigyan sila ng oras para itala ang mga nasasaisip o espirituwal na impresyon nila. Maaari mo ring anyayahan ang ilang handang estudyante na ibahagi sa klase ang kanilang mga ideya.

Bumalik sa “Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”