Mga Kurso Tungkol sa mga Banal na Kasulatan
Pambungad


“Pambungad,” Manwal ng Guro ng Institute para sa Lumang Tipan (2026)

guro ng institute na nakikipag-ugnayan sa klase

Manwal ng Guro ng Institute para sa Lumang Tipan

Pambungad sa Kurso

Ang layunin ng Seminaries and Institutes of Religion

“Ang ating layunin ay tulungan ang mga kabataan at young adult na mapalalim ang kanilang pagbabalik-loob kay Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo, maging karapat-dapat sa mga pagpapala ng templo, at ihanda ang kanilang sarili, kanilang pamilya, at iba pa para sa buhay na walang hanggan sa piling ng kanilang Ama sa Langit” (“Ang Layunin ng Seminaries and Institutes of Religion,” Gospel Library).

Ano ang mararanasan ng mga estudyante sa kursong ito?

Ang kursong ito ay naglalayong tulungan ang mga guro na maisakatuparan ang Layunin ng Seminaries and Institutes of Religion sa pamamagitan ng pagtulong sa mga estudyante na:

  • Magtuon sa halimbawa, mga katangian, at tumutubos na kapangyarihan ni Jesucristo sa kanilang pag-aaral ng Lumang Tipan.

  • Palalimin ang kanilang pag-unawa sa ebanghelyo ni Jesucristo tulad ng itinuro sa Lumang Tipan.

  • Linangin ang mga kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan na nagpapahusay sa kanilang kakayahang maunawaan ang mga banal na kasulatan nang mag-isa.

  • Tukuyin kung paano makatutulong ang mga katotohanang pinag-aaralan nila mula sa Lumang Tipan sa kanilang mga tanong, pangangailangan, at kalagayan.

  • Ipaliwanag, ibahagi, at patotohanan ang mga katotohanang matatagpuan sa mga banal na kasulatan.

  • Ipamuhay ang mga turo ng mga banal na kasulatan sa kanilang buhay habang sinisikap nilang maging higit na katulad ni Jesucristo.

  • Hangarin, tukuyin, at sundin ang personal na paghahayag mula sa Espiritu Santo.

Paano ginawa ang kurso?

Ang materyal ng guro ay naglalaman ng 50 lesson na naaayon sa iskedyul ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Ito ay ginawa upang suportahan ang tradisyonal na 14-linggong semestre ng Religion 301 at 302 kung susundin ng mga guro ang “Mga Pacing Guide para sa Religion 301 at 302” na matatagpuan sa dulo ng pambungad na ito.

Bilang alternatibo, ang kursong ito ay maaaring ibigay bilang elective na pinamagatang Religion 210R: Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Sa format na ito, ang mga guro ay nakatuon lamang sa nilalaman na tumutugma sa iskedyul ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, na nagtutulot sa mga klase na magsimula at magwakas sa anumang bahagi ng taon batay sa mga lokal na pangangailangan at iskedyul. Maaari ding pagsamahin ng mga guro ang ilang lesson mula sa manwal na ito para makagawa ng mas maikli at mas nakatuon na karanasan sa pagkatuto. Halimbawa, ang mga lesson sa aklat ng Genesis ay maaaring gamitin para sa isang workshop na may lima hanggang pitong linggo.

Ang unang lesson, “Ang Buhay na Cristo,” ay maaaring ituro sa anumang bahagi sa panahon ng kurso. Halimbawa, maaari mo itong ituro bilang unang lesson ng kurso o sa mga linggo bago ang Pasko ng Pagkabuhay o Pasko.

Paano binalangkas ang mga lesson?

Ang materyal ng guro ay naglalayong tulungan ang mga guro na makagawa ng mga karanasan sa pagkatuto na nakasentro kay Cristo, nakabatay sa banal na kasulatan, at nakatuon sa mag-aaral at nag-aanyaya sa impluwensya ng Espiritu Santo. Ang mga sumusunod na elemento ng materyal ng guro ay makatutulong sa pagsisikap na ito:

icon ng pag-aaral
Paghihikayat ng Personal na Pag-aaral

Mag-isip ng mga paraan kung paano maaanyayahan, mahihikayat, at matutulungan ang mga estudyante na pag-aralan ang kanilang mga banal na kasulatan sa buong linggo. Halimbawa, maaari kang magpadala ng mga mensaheng tutulong sa mga estudyante na pag-aralan ang nakatalagang scripture block para sa linggo at pumunta sa klase na handang magbahagi ng mga tanong at kaalaman. Makikita sa umpisa ng outline ng bawat lesson ang mga ideya para sa mga mensaheng maaari mong ipadala sa mga estudyante.

Maaari mo ring suriin ang mga pangangailangan ng mga estudyante sa pamamagitan ng pag-anyaya sa kanila na ipadala sa iyo ang mga tanong nila tungkol sa scripture block. Sa ibang komunikasyon, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na simulan ang pagtalakay sa isang paksa sa mga kaklase o kaibigan at kapamilya bago magklase. Mag-isip ng mga paraan para matulungan ang mga estudyante na makamit ang kanilang mga mithiin sa pag-aaral at magkaroon ng mas malalim na pagmamahal sa kanilang personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan.

icon na talakayin
Mga Tanong at Pagbabahagi

Maglaan ng oras para makapagtanong at makapagbahagi ng mga kaalaman at karanasan ang mga estudyante. Makatutulong ito sa kanila na maiugnay ang mga banal na kasulatan sa kanilang buhay. Nagbibigay-daan din ito para masuri mo nang mas mabuti ang mga pangangailangan at hangarin ng mga estudyante. Maaarin ding maging magandang pagkakataon ito para mag-follow up ng mga paanyaya at karanasan mula sa mga nakaraang klase.

Ang paglalaan ng oras para makapagtanong at makapagbahagi ng mga kabatiran ang mga estudyante tungkol sa scripture block ay nagbibigay-daan sa kanila na maimpluwensyahan ang daloy ng talakayan. Dapat flexible o maluwag ang oras na gugugulin sa pagbabahagi. Kailangan mong mahiwatigan kung kailan tutulungan ang mga estudyante na magpatuloy sa isa sa mga aktibidad sa pag-aaral, na makatutulong sa kanila na maipamuhay ang kanilang tinatalakay.

Para makapaghikayat ng mga tanong at pagbabahagi, pag-isipan ang mga sumusunod na paraan para masimulan ang aktibidad:

  • Rebyuhin ang mga mensaheng ipinadala mo sa mga estudyante sa linggong iyon o anumang tanong na ipinadala nila sa iyo.

  • Magpakita ng mga larawan o salitang naglalarawan sa mga pangyayari o pangunahing turo sa scripture block.

  • Itanong sa mga estudyante kung ano ang mga tanong o kabatirang gusto nilang talakayin.

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magtanong at magbahagi ng mga kabatiran sa klase, sa maliliit na grupo, sa isang ka-partner, o sa iba pang malikhaing paraan, tulad ng paggamit ng social media. Pag-isipang bigyan ng kaunting oras ang mga estudyante na rebyuhin o pag-aralan ang scripture block bago sila magbahagi.

Paalala: Kung lilihis sa paksa ang isang partikular na tanong o kabatiran, maghanap ng mga paraan upang maibalik ang talakayan sa mga pangunahing katotohanan sa mga banal na kasulatan. Gayundin, maaaring maging mas mainam na tugunan ang ilang mga katanungan pagkatapos ng klase o pagkatapos ng karagdagang pag-aaral. Ayos lang na sabihing, “Hindi ko alam. Pag-aralan pa natin ito at tingnan natin kung ano ang matututuhan natin bago ang susunod na klase.”

icon ng pagsasanay ng kasanayan
Pagsasanay ng Kasanayan

Ang kursong ito ay tutulong sa mga estudyante na makalinang ng mga kasanayan na magpapahusay sa kanilang kapasidad na maunawaan at matalakay ang tungkol sa mga banal na kasulatan. Karaniwang isinasama ang mga kasanayang ito sa mga aktibidad sa pag-aaral. Para sa karagdagang tulong sa paggamit ng mga iminumungkahing kasanayan sa mga aktibidad sa pag-aaral, maaaring pumunta ang mga guro at estudyante sa Scripture Study Skills sa Gospel Library. Ang resource na ito ay nagbibigay ng gabay sa kung paano ipaliwanag, ipakita, at isagawa ang bawat kasanayan.

Kapag paulit-ulit na isinasagawa ng mga estudyante ang mga kasanayang ito sa buong kurso, mas magtitiwala sila sa kanilang kakayahan na matuto mula sa mga banal na kasulatan. Maghanap ng oras upang makapag-follow up at maanyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga karanasan gamit ang mga kasanayang ito.

icon ng mga opsiyon sa aktibidad sa pag-aaral
Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral

Kasama sa bawat lesson ang maraming opsiyon sa aktibidad sa pag-aaral. Hindi mo kailangang gamitin ang lahat ng opsiyon sa aktibidad sa pag-aaral ng isang lesson sa isang sesyon ng klase. Magtuon sa pagbabalik-loob ng estudyante, hindi sa pagtalakay ng buong materyal. Suriin ang mga pangangailangan ng mga miyembro ng iyong klase, at hingin ang patnubay ng Espiritu Santo sa pagpili mo ng mga aktibidad sa pag-aaral na gagamitin mo. Maaari mo ring itanong sa mga miyembro ng klase kung aling mga lesson at aktibidad sa pag-aaral ang pinakakapaki-pakinabang sa kanila.

Paano nadaragdagan ng Mga Tulong sa Banal na Kasulatan: Lumang Tipan ang pagkatuto?

Ang Mga Tulong sa Banal na Kasulatan: Lumang Tipan ay isang resource na nagbibigay ng kaalaman sa konteksto ng mga banal na kasulatan (setting o tagpo, kultura, kasaysayan, at heograpiya), nililinaw ang kahulugan ng mga salita at parirala, at tumutulong sa pag-unawa sa mahihirap na talata. Maraming aktibidad sa pag-aaral sa materyal ng titser ang naglalaman ng mga reference sa Mga Tulong sa Banal na Kasulatan: Lumang Tipan. Tulungan ang mga estudyante na mahanap ang resource na ito sa Gospel Library. Hikayatin silang gamitin ang resource na ito sa pag-aaral nila ng Lumang Tipan sa klase at sa bahay.

Ano pang mga resource ang makatutulong sa akin upang maging guro na higit na katulad ni Cristo?

Bukod pa sa pakikibahagi sa mga pulong para sa pagsasanay ng guro kasama ang iyong coordinator o lokal na faculty, maaari mong rebyuhin ang sumusunod na mga resource:

Ano ang inaasahan sa mga estudyante para makatanggap ng credit?

Para sa impormasyon kung paano makatanggap ng credit para maka-graduate sa institute o credit na maaaring ilipat sa mga paaralan ng Simbahan, tingnan sa InstituteCredit.ChurchofJesusChrist.org.

Paano ko maiaakma ang mga lesson para sa mga taong may kapansanan?

Habang nagtuturo ka, bigyang-pansin ang mga estudyanteng may mga espesyal na pangangailangan. Iakma ang mga aktibidad at lesson para maisali ang mga estudyanteng ito at matulungan silang magtagumpay. Para sa iba pang mga resource sa kung paano turuan ang mga taong may kapansanan, tingnan ang disabilities.ChurchofJesusChrist.org.

Mga Pacing Guide para sa Religion 301 at 302

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga pacing guide na maaari mong gamitin upang maiakma ang mga lesson sa tradisyonal na 14 na linggong iskedyul ng semestre ng Religion 301 at 302. I-adjust ang mga opsiyon na ito upang tumugma sa mga pangangailangan ng iyong programa.

Religion 301

Moises–Abraham; Genesis 1–1 Mga Hari 11

Linggo

1

2

3

4

5

6

7

Linggo

Lesson

1

Pambungad sa Lumang Tipan

2

Moises 1; Abraham 3

Genesis 1–2; Moises 2–3; Abraham 4–5

3

Genesis 3–4; Moises 4–5

4

Genesis 5; Moises 6

Moises 7

5

Genesis 6–11; Moises 8

Genesis 12–17; Abraham 1–2

6

Genesis 18–23

Genesis 24–33

7

Genesis 37–41

Genesis 42–50

Linggo

8

9

10

11

12

13

14

Linggo

Lesson

8

Exodo 1–6

Exodo 7–13

9

Exodo 14–18

Exodo 19–20; 24; 31–34

10

Exodo 35–40; Levitico 1; 4; 16; 19

Mga Bilang 11–14; 20–24; 27

11

Deuteronomio 6–8; 15; 18; 29–30; 34

Josue 1–8; 23–24

12

Mga Hukom 2–4; 6–8; 13–16

Ruth; 1 Samuel 1–7

13

1 Samuel 8–10; 13; 15–16

1 Samuel 17–18; 24–26; 2 Samuel 5–7

14

2 Samuel 11–12; 1 Mga Hari 3; 6–9; 11

Religion 302

1 Mga Hari 12Malakias 4

Linggo

1

2

3

4

5

6

7

Linggo

Lesson

1

Pambungad sa Lumang Tipan

1 Mga Hari 12–13; 17–22

2

2 Mga Hari 2–7

2 Mga Hari 16–25

3

2 Cronica 14–20; 26; 30

Ezra 1; 3–7; Nehemias 2; 4–6; 8

4

Esther

Job 1–3; 12–14; 19; 21–24; 38–40; 42

5

Mga Awit 1–2; 8; 19–33; 40; 46

Mga Awit 49–51; 61–66; 69–72; 77–78; 85–86

6

Mga Awit 102–3; 110; 116–19; 127–28; 135–39; 146–50

Mga Kawikaan 1–4; 15–16; 22; 31; Eclesiastes 1–3; 11–12

7

Isaias 1–12

Linggo

8

9

10

11

12

13

14

Linggo

Lesson

8

Isaias 13–14; 22; 24–30; 35

Isaias 40–49

9

Isaias 50–57

Isaias 58–66

10

Jeremias 1–3; 7; 16–18; 20

Jeremias 31–33; 36–38; Mga Panaghoy 1; 3

11

Ezekiel 1–3; 33–34; 36–37; 47

12

Daniel 1–7

Hoseas 1–6; 10–14; Joel

13

Amos; Obadias; Jonas

Mikas; Nahum; Habakuk; Sefanias

14

Hagai 1–2; Zacarias 1–4; 7–14

Malakias