Mga Kurso Tungkol sa mga Banal na Kasulatan
Mga Ideya para sa Unang Araw ng Klase


“Mga Ideya para sa Unang Araw ng Klase,” Manwal ng Guro ng Institute para sa Lumang Tipan (2026)

Isang collage ng mga tagpo mula sa Lumang Tipan

Mga Ideya para sa Unang Araw ng Klase

Nakasulat sa Lumang Tipan ang mga pinakaunang pakikipag-ugnayan ng Diyos sa Kanyang mga anak sa mundo.Sa sagradong aklat na ito ng banal na kasulatan, makikilala natin si Jesucristo sa pamamagitan ng Kanyang mga turo at ginawa bilang si Jehova sa premortal na buhay.Malalaman din natin ang mga propesiya at simbolo na nagpapatotoo sa Kanya.Inilalarawan ng Lumang Tipan ang mga tipan na ginawa ng Diyos sa Kanyang mga anak.Nangako ang Panginoon na tutuparin Niya ang mga tipan na ginawa Niya sa sambahayan ni Israel, kapwa sa sinaunang panahon at sa mga huling araw.

Karagdagang Resources

Mga Tulong sa Banal na Kasulatan: Lumang Tipan, “Pambungad sa Lumang Tipan”

Magagamit ang mga aktibidad sa pag-aaral sa lesson na ito kasabay ng pagsisimula mo sa iyong kurso sa Lumang Tipan na umaayon sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—kailan man magsimula ang iyong klase.Magagamit din ang mga ito kung nagtuturo ka ng Lumang Tipan 301 o 302.

icon ng mga opsiyon sa aktibidad sa pag-aaral
Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral

Upang maipakilala ang kursong ito sa mga estudyante, maaari kang pumili ng isa o mahigit pa sa mga sumusunod na aktibidad na magagamit mo sa unang araw ng klase.Dahil mas marami ang materyal dito kaysa sa maaaring matalakay sa isang klase, mapanalanging pag-isipan kung aling mga opsiyon ang magiging pinakamakahulugan para sa iyong klase.Kung nanaisin, maaari mong gamitin ang iba pa sa mga aktibidad na ito sa mga klase sa hinaharap.

Pagpapabuti ng Ating Pagtuturo at Pag-aaral

Ipadama ang pagiging kabilang.Sa buong kursong ito, isipin kung ano ang magagawa mo para makalikha ng kapaligirang may pagmamahal at tiwala upang maramdaman ng mga estudyante na kabilang sila.Kapag nadarama ng mga estudyante na kabilang sila, mas malamang na magpahayag sila ng nadarama, magbahagi ng mga karanasan, at magtanong.Isang paraan upang makatulong na magkaroon ng pakiramdam ng pagiging kabilang ang pagtulong sa mga estudyante na mapalakas ang kanilang ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.Itinuro ni Elder D. Todd Christofferson na, “Ang maging kaisa ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo ay walang alinlangang siyang pinakalubos na diwa ng pagiging kabilang” (“Ang Doktrina ng Pagiging Kabilang,” Liahona, Nob. 2022, 56).

Ano ang ginagampanan ko sa paglikha ng kapaligiran sa pag-aaral na tulad ng kay Cristo?

Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang pagkakataon na pinakitaan sila ng isang tao ng pagmamahal na tulad ng kay Cristo, o nagpakita sila ng pagmamahal na tulad ng kay Cristo sa iba.Maaari din silang magpakita ng larawan sa kanilang smartphone o iba pang device na naglalarawan ng pagmamahal na tulad ng kay Cristo.

Basahin nang magkakasama ang Levitico 19:18 at Deuteronomio 10:19.Sabihin sa mga estudyante na talakayin ang mga alituntuning itinuro ng Panginoon tungkol sa pag-ibig o pagmamahal sa Lumang Tipan.(Matutukoy ng mga estudyante ang mga katotohanang tulad nito: Iniuutos sa atin ng Panginoon na mahalin ang ating kapwa tulad ng ating sarili. Inaanyayahan tayo ng Panginoon na magpakita ng pagmamahal sa mga taong hindi natin kilala.)

  • Sa palagay ninyo, paano maiuugnay ang mga katotohanang ito sa inyong karanasan sa klaseng ito?(Bilang bahagi ng inyong talakayan, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magbahagi ng ilan sa mga hamon na maaaring kaharapin ng isang tao kapag dumalo sila sa klase sa institute sa unang pagkakataon.)

  • Ano ang ilang partikular na bagay na maaari ninyong gawin upang matulungan ang ating klase na maging isang kapaligiran ng pag-aaral na may paggalang, pagiging kabilang, at pagmamahal na tulad ng kay Cristo?

Maaari ninyong panoorin ang video na “Personal Invitation to Attend Institute” (2:45).Sabihin sa mga estudyante na habang nanonood sila, isipin kung sino ang maaari nilang anyayahan na sumali sa klaseng ito.(Maaaring magpadala ng mensahe ang mga estudyante sa isang tao habang nasa klase sila o pag-isipan kung paano nila makokontak ang taong ito bago ang susunod na klase.)

2:51

Pag-isipang anyayahan ang bawat estudyante na magnilay at magtala ng partikular na aksiyon na gagawin nila upang makatulong sa paglikha ng kapaligiran sa pag-aaral na may paggalang, pagiging kabilang, at may pagmamahal na tulad ng kay Cristo sa klaseng ito.

Balikan ang “Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”

Paano ko aalagaan ang aking patotoo?

Maaari ninyong basahin nang sama-sama ang pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson.Pagkatapos ay anyayahan ang mga estudyante na talakayin ang mga sumusunod na tanong sa isang kapartner:

Pangulong Russell M. Nelson

Nakikiusap ako na alagaan ninyo ang inyong patotoo.Pagsikapan ito.Angkinin ito.Pangalagaan ito.Pagyamanin ito para lumago ito.Busugin ito ng katotohanan.Huwag itong dungisan ng mga maling pilosopiya ng mga lalaki at babaeng walang pananalig at pagkatapos ay magtaka kung bakit humihina ang inyong patotoo.(“Mga Pagpiling May Epekto sa Kawalang-Hanggan” [pandaigdigang debosyonal para sa mga young adult, Mayo 15, 2022], Gospel Library)

  • Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng “alagaan ninyo ang inyong patotoo”?Sa palagay ninyo, bakit ito mahalaga?

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magnilay kung paano nila aalagaan ang kanilang mga patotoo.Anyayahan sila habang nag-aaral sila na hanapin ang mga katotohanan na makatutulong sa kanila na makilala ang mga pagpapahusay na magagawa nila.

Pag-isipang isulat ang sumusunod na heading sa pisara: Paano ko aalagaan ang aking patotoo?Anyayahan ang mga estudyante na maghanap ng mga katotohanan mula sa mga banal na kasulatan o pahayag mula sa mga lider ng Simbahan na tumutulong sa pagsagot ng tanong na ito.Maaari nilang gamitin ang Gospel Library para maghanap ng mga resource nang mag-isa, o maaari nilang pag-aralan ang ilan sa mga sumusunod na passage:

  • Deuteronomio 4:29; 6:4–7

  • Josue 1:8

  • Mga Awit 119:10–16

  • Mga Kawikaan 2:2–6

Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang mga sagot na nakita nila para sa tanong sa pisara sa isang kapartner o maliit na grupo.Maaari mo ring anyayahan ang mga estudyante na isulat ang ilan sa mga sagot na nakita nila sa pisara.Kung kinakailangan, maaari mo ring ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Nelson upang matulungan ang mga estudyante na makatukoy ng mga karagdagang paraan kung paano nila aalagaan ang kanilang mga patotoo:

Pangulong Russell M. Nelson

Magdasal nang taimtim at mapagpakumbaba araw-araw.Busugin ang inyong sarili sa mga salita ng mga sinauna at makabagong propeta.Hilingin sa Panginoon na ituro sa inyo kung paano Siya higit na maririnig.Gumugol ng mas maraming panahon sa templo at sa paggawa ng family history.

Kapag inuna ninyo sa lahat ang inyong patotoo, hintaying mangyari ang mga hiwaga sa inyong buhay.(“Mga Pagpiling May Epekto sa Kawalang-Hanggan”)

Pag-isipang magtanong ng tulad ng mga sumusunod upang matulungan ang mga estudyante na personal na maipamuhay ang mga katotohanang pinag-aaralan nila:

  • Sa palagay ninyo, paano makakaimpluwensya ang mas lubos na pag-aalaga sa inyong patotoo sa:

    • Inyong saloobin at pakikipag-ugnayan sa klaseng ito?

    • Inyong pag-aaral ng banal na kasulatan?

    • Inyong mga panalangin?

  • Anong mga pagsisikap ang ginawa ninyo upang maalagaan ang inyong patotoo?Paano kayo pinagpala ng Panginoon?

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang mga aksiyon na gagawin nila para matulungan sila na mas lubos na maalagaan ang kanilang mga patotoo.Hikayatin silang magtala ng mga partikular na paraan na gagawin nila upang makamit ang kanilang mga mithiin.Maaari kang mag-follow up paminsan-minsan sa buong semestre at anyayahan ang mga estudyante na mag-ulat ng kanilang progreso.

Balikan ang “Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”

Paano madaragdagan ng pag-aaral ng Lumang Tipan ang aking pananampalataya sa Tagapagligtas?

Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na tanong at anyayahan ang mga estudyante na talakayin ang mga ito sa kapartner:

  • Anong kuwento o sinong tao ang naiisip mo kapag iniisip mo ang Lumang Tipan?Bakit?

  • Ano sa palagay mo ang ilan sa mga layunin ng Lumang Tipan?

Anyayahan ang ilang estudyante na magbahagi ng mga sagot sa mga tanong na ito sa klase.Pagkatapos ay ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Pangulong M. Russell Ballard:

Pangulong M. Russell Ballard

Ang unang tipan ni Cristo ay ang Lumang Tipan ng Biblia, na nagbadya at nagpropesiya sa pagdating ng Tagapagligtas, Kanyang buhay na walang kapantay, at Kanyang nagpapalayang Pagbabayad-sala.(“Ang Himala ng Banal na Biblia,” Liahona, Mayo 2007, 82)

  • Ano ang itinuturo ng pahayag na ito tungkol sa isa sa mga layunin ng Lumang Tipan?(Maaaring matukoy ng mga estudyante ang katotohanang tulad nito: Pinapatotohanan ng Lumang Tipan si Jesucristo.Maaari mo ring tulungan ang mga estudyante na makahanap ng suporta para sa katotohanang ito sa mga sumusunod na passage: Juan 5:39; 1 Nephi 19:23; at 2 Nephi 11:4.)

Ipaliwanag na gumamit ng iba’t ibang paraan ang mga manunulat ng Lumang Tipan upang matulungan ang mga tao na matuto tungkol kay Jesucristo, kabilang ang mga bagay o simbolo, mga turo ng propeta, at maging ang mga karanasan ng mga tao.

Anyayahan ang mga estudyante na magpraktis sa paghahanap kay Jesucristo sa Lumang Tipan sa pamamagitan ng pagpili ng kahit isa man lang sa mga aktibidad sa handout na “Paghahanap kay Jesucristo sa Lumang Tipan.”Maaaring sagutan ng mga estudyante ang handout nang may kapartner o sa maliit na grupo.(Para sa karagdagang impormasyon at praktis, tingnan ang “Focusing on Jesus Christ in the Scriptures,” sa Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan.)

handout na Paghahanap kay Jesucristo sa Lumang Tipan

Bigyan ng oras ang mga estudyante upang matalakay nang magkakasama sa klase ang natutuhan nila mula sa kanilang pag-aaral.Maaari mo ring itanong ang gaya sa sumusunod:

  • Paano kayo mas mapapalapit kay Jesucristo kapag hinanap ninyo Siya sa Lumang Tipan?

Sabihin sa mga estudyante na gumawa ng masigasig na pagsisikap na hanapin ang Tagapagligtas habang pinag-aaralan nila ang Lumang Tipan.

Balikan ang “Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”

Ano ang maituturo sa akin ng Lumang Tipan tungkol sa aking pakikipagtipan sa Diyos?

Ibahagi ang sumusunod na pahayag mula kay Sister Emily Belle Freeman at anyayahan ang mga estudyante na talakayin ang mga tanong sa ibaba sa isang kapartner.

Sister Emily Belle Freeman

Ang tipan ay hindi lamang tungkol sa kasunduan, bagama’t mahalaga iyan.Tungkol ito sa pakikipag-ugnayan.(“Mamuhay na Nakaugnay kay Cristo sa Pamamagitan ng Tipan,” Liahona, Nob. 2023, 78)

  • Paano natutulad sa pakikipag-ugnayan ang pakikipagtipan sa Diyos?

  • Ano ang katangian ng magandang ugnayan?

Ipaliwanag na sa buong Lumang Tipan, buong pagmamahal na hinangad ng Diyos na palalimin ang Kanyang pakikipag-ugnayan sa Kanyang mga anak sa pamamagitan ng pakikipagtipan sa kanila.Madalas nating tinutukoy ang tipan na ginawa ng Diyos kay Abraham at sa Kanyang mga inapo bilang tipan ni Abraham.Nakita ng mga Israelita sa Lumang Tipan ang kanilang sarili bilang pinagtipanang tao ng Panginoon.

Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang Genesis 12:1–3; 17:4–8; at Exodo 19:5–6, at alamin ang ilan sa mga pagpapalang ipinangako ng Diyos kay Abraham at sa kanyang mga inapo bilang bahagi ng Kanyang tipan sa kanila.Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.Maaari mo ring itanong ang sumusunod:

  • Ano ang ipinauunawa sa inyo ng mga talatang ito tungkol sa Diyos?(Maaaring matukoy ng mga estudyante ang mga katotohanang tulad nito: Nais ng Diyos na makipagtipan sa Kanyang mga anak. Kapag nakipagtipan tayo sa Diyos, ipinapangako Niya sa atin ang mga dakilang pagpapala na magtutulak sa atin na mas mapalapit sa Kanya.)

Maaari ninyong sama-samang talakayin ang sumusunod na pahayag mula kay Pangulong Russell M. Nelson:

Pangulong Russell M. Nelson

Kapag nakipagtipan tayo sa Diyos, nililisan natin ang kawalan ng kaalaman sa mabuti at masama.Hindi tatalikuran ng Diyos ang Kanyang ugnayan sa mga taong nagkaroon ng gayong pagkakabigkis sa Kanya.Sa katunayan, ang lahat ng nakipagtipan sa Diyos ay maaaring makatanggap ng espesyal na uri ng pagmamahal at awa.Sa wikang Hebreo, ang pagmamahal na hatid ng tipan ay tinatawag na hesed (חֶסֶד). …

Hesedisang espesyal na uri ng pagmamahal at awa na nadarama at ipinagkakaloob ng Diyos sa mga nakipagtipan sa Kanya.At sinusuklian natin ito ng hesed para sa Kanya. …

Dahil ang Diyos ay may hesed para sa mga nakipagtipan sa Kanya, mamahalin Niya sila.Siya ay patuloy na makikipagtulungan sa kanila at magbibigay sa kanila ng mga pagkakataong magbago.Patatawarin Niya sila kapag nagsisisi sila.At kung maligaw sila, tutulungan Niya silang mahanap ang daan pabalik sa Kanya.

Kapag kayo at ako ay nakipagtipan sa Diyos, nagiging mas malapit ang ating ugnayan sa Kanya kaysa noong bago tayo makipagtipan.Ngayon ay nakabigkis na tayo sa isa’t isa.Dahil sa ating tipan sa Diyos, hindi Siya kailanman mapapagod sa Kanyang mga pagsisikap na tulungan tayo, at hindi kailanman mauubos ang Kanyang maawaing pasensya sa atin.Ang Diyos ay may espesyal na pagmamahal para sa bawat isa sa atin.Malaki ang inaasahan Niya para sa atin.(“Ang Walang Hanggang Tipan,” Liahona, Okt. 2022, 5, 6)

  • Ano ang pinakamakabuluhan sa inyo sa pahayag na ito?

  • Ano sa tingin ninyo ang ibig sabihin ng “sinusuklian natin ito ng hesed” para sa Diyos?

Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na ang Lumang Tipan ay puno ng mga halimbawa ng pagpapakita ng Diyos ng Kanyang pagmamahal na hatid ng tipan (hesed) sa Kanyang mga tao.Sabihin sa mga estudyante na pumili ng ilan sa mga sumusunod na scripture passage (o iba pang nakita nila nang mag-isa), at maghanap ng katibayan ng pagmamahal ng Diyos na hatid ng tipan.

  • Mga Hukom 2:1

  • Mga Awit 105:7–11

  • Isaias 49:14–16; 54:7–10

  • Jeremias 29:11–14; 31:31–34

  • Ezekiel 34:11–16, 25

Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na ibahagi sa isang ka-partner o maliit na grupo ang natutuhan o nadama nila tungkol sa Diyos mula sa kanilang pag-aaral.Maaari din ninyong talakayin nang sama-sama bilang klase ang mga tanong na tulad ng sumusunod:

  • Alin sa mga natutuhan ninyo tungkol sa pakikipagtipan at pagtupad sa mga tipan ang gusto ninyong maalala?

  • Anong mga karanasan ang nakatulong sa inyo na makilala ang espesyal na pagmamahal at awa ng Diyos para sa inyo?

Sabihin sa mga estudyante na hanapin ang mga ugnayan sa tipan habang pinag-aaralan nila ang Lumang Tipan.Maaari ding itala ng mga estudyante ang mga impresyong natanggap nila mula sa Espiritu Santo tungkol sa kanilang pakikipagtipan sa Ama sa Langit at kung paano nila gagawing mas malalim at mas makabuluhan ang kanilang ugnayan sa Kanya.

Balikan ang “Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”