Mga Kurso Tungkol sa mga Banal na Kasulatan
Genesis 42–50


“Genesis 42–50,” Manwal ng Guro ng Institute para sa Lumang Tipan (2026)

Si Jose ng Egipto na bumabati sa kanyang mga kapatid

Joseph of Egypt [Jose ng Egipto], ni Michael T. Malm

Genesis 42–50

Sa loob ng pitong taon ng taggutom na ipinropesiya ni Jose ng Egipto, naglakbay ang kanyang mga kapatid mula sa Caanan papuntang Egipto para bumili ng pagkain. Kalaunan, nagpakilala si Jose sa kanyang mga kapatid at pinatawad sila. Dumating si Jacob at ang kanyang buong pamilya upang tumira sa Egipto. Bago ang kanyang kamatayan, binasbasan ni Jacob ang kanyang mga inapo at ipinropesiya na sa mga huling araw, magbabangon ang Panginoon ng isang propeta upang ilabas ang mga tao mula sa espirituwal na kadiliman. Ang propetang iyon ay si Joseph Smith.

Karagdagang Resources

Mga Tulong sa Banal na Kasulatan: Lumang Tipan, “Genesis 42–50

Paalala: Ang “Pambungad sa Kurso” ay nagbibigay ng gabay sa kung paano gamitin ang mga sumusunod na pamantayang elemento ng lesson.

icon ng pag-aaral
Paghihikayat ng Personal na Pag-aaral

Bago magklase, isiping magpadala sa mga estudyante ng isa o mahigit pa sa mga sumusunod na mensahe o ng ilan sa sarili mong mga mensahe:

  • Pagnilayan ang kapangyarihan ng pagpapatawad sa iyong buhay habang pinag-aaralan mo ang Genesis 45. Maaari kang magdala ng paborito mong banal na kasulatan o pahayag tungkol sa pagpapatawad na ibabahagi sa klase.

  • Habang pinag-aaralan mo ang Genesis 49, isipin ang kahalagahan ng mga pagpapala ng priesthood sa iyong buhay.

  • Sa paanong mga paraan napagpala ang buhay mo dahil ipinanumbalik ng Panginoon ang Kanyang ebanghelyo sa pamamagitan ni Joseph Smith? Pagnilayan ito habang pinag-aaralan mo ang Pagsasalin ni Joseph Smith sa Genesis 50:24–38 (matatagpuan sa Gospel Library).

icon ng talakayin
Mga Tanong at Pagbabahagi

Bigyan ng oras ang mga estudyante na magtanong at magbahagi ng mga pananaw at katotohanan na natuklasan nila sa personal na pag-aaral nila ng Genesis 42–50.

icon ng pagsasanay ng kasanayan
Pagsasanay ng Kasanayan

Ang mga aktibidad sa pag-aaral para sa Genesis 49 at Pagsasalin ni Joseph Smith, Genesis 50:24–38 ay maaaring magandang gamitin upang matulungan ang mga estudyante na sanayin ang kasanayang “Using Restoration Scripture to Understand the Bible” sa Scripture Study Skills.

icon ng mga opsiyon sa aktibidad sa pag-aaral
Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral

Maraming opsiyon sa pag-aaral ang inilaan para sa iyo at sa iyong mga estudyante. Mapanalanging piliin kung aling opsiyon o mga opsiyon ang magiging pinakamakabuluhan para sa klase mo.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo at Pag-aaral

Tulungan ang mga estudyante na madama ang pagmamahal ng Tagapagligtas sa pamamagitan mo. Kapag nadarama ng mga tao ang iyong pagmamahal, mas malaki ang posibilidad na maramdaman din nila ang pagmamahal ng Tagapagligtas habang nagtuturo ka. “Tandaan na ang iyong alalahanin sa pagtuturo ng lesson ay hindi dapat makasagabal sa pagpapakita mo ng pagmamahal sa pamamagitan ng iyong mga salita at kilos. Kadasalan, ang paraan ng pakikitungo mo sa mga tao ay kasinghalaga ng itinuturo mo sa kanila” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 14–15).

Genesis 45

Paano ako matutulungan ng Diyos na magpatawad ng kapwa?

Isulat ang pariralang pagpapatawad sa kapwa sa pisara. Pagkatapos ay anyayahan ang ilang estudyante na lumapit at sumulat ng mga salitang iniuugnay nila sa pagpapatawad sa kapwa sa pisara. Maaari mo ring itanong:

  • Bakit maaaring maging mahirap ang magpatawad ng ating kapwa?

Anyayahan ang mga estudyante na mag-isip ng mga paraan kung paano sila tumugon sa isang taong gumawa ng isang bagay na nakasakit sa kanila. Himukin sila habang nag-aaral sila ngayon na alalahanin ang mga impresyon mula sa Espiritu Santo na makatutulong sa kanila na mas masunod ang halimbawa ng pagpapatawad ng Tagapagligtas.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ng Genesis 45, ipaliwanag na si Jose, matapos ipagbili bilang alipin ng kanyang mga kapatid, ay ginawang pinuno sa Egipto ni Faraon kalaunan. Nang dumating ang taggutom, naglakbay ang mga kapatid ni Jose sa Egipto upang bumili ng pagkain. Hindi kaagad nagpakilala si Jose sa kanila, sa halip ay sinubukan sila upang makita kung nagbago na ba sila sa mga taon na lumipas mula noong pagmalupitan nila siya. Kalaunan, pinili rin ni Jose na sabihin sa kanyang mga kapatid kung sino siya.

Anyayahan ang mga estudyante na pag-aralan ang Genesis 45:1–15, at hanapin ang mga indikasyon na napatawad na ni Jose ang kanyang mga kapatid. (Kung nanaisin, maaari mo ring anyayahan ang mga estudyante na pag-aralan ang Genesis 50:14–21, na naglalarawan ng isa pang pakikipag-ugnayan ni Jose sa kanyang mga kapatid makalipas ang ilang taon.)

Upang matulungan ang mga estudyante na maibahagi ang kanilang natutuhan mula sa mga talatang ito, isiping talakayin ang mga tanong na tulad ng mga sumusunod:

  • Aling mga salita o kilos ni Jose ang pinakanapansin ninyo?

  • Ano ang matututuhan natin mula sa halimbawa ni Jose ng pagpapatawad? (Maaaring makatukoy ang mga estudyante ng alituntuning tulad nito: Ang pagpapatawad sa kapwa ay tumutulong sa atin na maranasan ang paggaling at kapayapaan.)

Sabihin sa mga estudyante na isipin na may kilala silang isang tao na nahihirapang magpatawad ng ibang tao. Anyayahan silang maghanap ng mga banal na kasulatan o mga pahayag mula sa mga lider ng Simbahan na maaaring makatulong sa taong ito. Para sa mga estudyanteng nangangailangan ng tulong, maaari mong imungkahi na pag-aralan nila ang ilan sa mga sumusunod na banal na kasulatan at ang pahayag ni Elder Ulisses Soares:

Elder Ulisses Soares

Ang lakas-ng-loob na magpatawad ay dumarating sa mga taong sumasampalataya at nagtitiwala sa Panginoon. Sa tulong Niya, makasusumpong tayo ng lakas na patawarin ang iba, nakagawa man ang maysala ng mabigat na kasalanan o ng pagkakasalang hindi sinasadya. (“Asking, Seeking, and Knocking: A Compassionate Pattern” [Brigham Young University–Hawaii devotional, Ene. 29, 2023], speeches.byuh.edu)

Anyayahan ang mga estudyante na magbahagi sa maliit na grupo ng banal na kasulatan o pahayag na nahanap nila. Hilingin sa kanila na ipaliwanag kung paano makatutulong ang kanilang napiling passage sa isang taong nahihirapang magpatawad.

Pagkatapos ng mga talakayan sa maliit na grupo, maaari mong itanong ang tulad ng mga sumusunod:

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang kanilang sariling pangangailangan na magpatawad o humingi ng kapatawaran. Bigyan sila ng panahon na isulat ang mga hakbang na kanilang gagawin upang maipamuhay ang kanilang natutuhan at naramdaman ngayon.

Balikan ang “Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”

Genesis 49

Paano ako matutulungan ng mga basbas ng priesthood?

Anyayahan ang klase na magbahagi ng mga uri ng mga basbas ng priesthood na ibinigay o natanggap nila. Ilista sa pisara ang mga sagot ng mga estudyante (kabilang sa mga halimbawa ang mga patriarchal blessing; mga basbas ng ama; at iba pang mga basbas ng pagpapagaling, kapanatagan, o payo). Kung kinakailangan, sabihin sa isang estudyante na ipaliwanag nang maikli kung ano ang mga basbas ng priesthood. Maaari mo ring anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan ang nagagawa ng mga basbas ng priesthood sa kanilang buhay.

Maaari mong ipakita ang larawan sa ibaba habang ibinabahagi mo ang sumusunod na paliwanag ng Genesis 48–49:

Binabasbasan ni Jacob ang kanyang mga anak

Jacob Blessing His Sons (Jacob Blessing Joseph) Binabasbasan ni Jacob ang Kanyang mga Anak (Binabasbasan ni Jacob si Joseph), ni Harry Anderson

Sa pagtatapos ng kanyang buhay, binigyan ni Jacob ng mga basbas ng priesthood ang bawat isa sa kanyang labindalawang anak na lalaki. Ang dalawang pinakadetalyadong pagbabasbas ni Jacob ay ibinigay kina Juda at Jose.

Maaari mong ipakita ang sumusunod na talahanayan. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang pagpapala kay Judah o kay Jose, kasama ang ilan sa karagdagang mga resource upang makatulong sa kanilang pag-unawa. (Maaari din itong magandang gamitin upang matulungan ang mga estudyante na mapraktis ang “Using Restoration Scripture to Understand the Bible,” sa Scripture Study Skills.)

basbas kay Juda

basbas kay Jose

basbas kay Juda

Genesis 49:8–12

Karagdagang mga resource:

basbas kay Jose

Genesis 49:22–26

Karagdagang mga resource:

Kapag tapos nang mag-aral ang mga estudyante, ipabahagi sa kanila ang natutuhan nila. Maaari mong gamitin ang mga sumusunod na tanong para gabayan ang talakayan:

  • Ano ang mga nalaman ninyo mula sa inyong pag-aaral?

  • Ano ang nauunawaan ninyo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa tulong ng mga talatang ito? (Bilang bahagi ng talakayang ito, matutulungan mo ang mga estudyante na matukoy ang isang katotohanang tulad ng sumusunod: Sa pamamagitan ng mga basbas ng priesthood, ang Panginoon ay mangangako sa atin ng mga pagpapala at matutulungan tayong maunawaan ang ating mga posibilidad sa hinaharap.)

Isiping gamitin ang isa o ang lahat ng sumusunod na ideya upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan kung paano mapagpapala ng mga basbas ng priesthood ang kanilang buhay:

  • Anyayahan ang ilang estudyante na magbahagi ng mga halimbawa ng mga pagkakataong tinupad ng Panginoon ang mga pangakong ginawa sa pamamagitan ng mga basbas ng priesthood, sa sarili nilang buhay o sa buhay ng iba.

  • Ipaliwanag na ang mga basbas na ipinagkaloob ni Jacob sa kanyang mga anak ay katulad ng mga patriarchal blessing na matatanggap natin ngayon. Maaari mong bigyan ng oras ang mga estudyante na matuto pa tungkol sa mga patriarchal blessing sa pamamagitan ng pag-aaral ng “Mga Patriarchal Blessing” sa Mga Paksa at Mga Tanong (Gospel Library). Ang mga estudyanteng nakatanggap na ng patriarchal blessing ay maaari itong basahin sa panahong ito. (Maaaring ma-access ng mga miyembro ang kanilang patriarchal blessing sa pamamagitan ng pag-sign in sa ChurchofJesusChrist.org at pag-navigate sa “Patriarchal Blessing” sa drop-down menu ng “Resources”.)

Pagkatapos itong pag-aralan, anyayahan ang mga estudyante para ibahagi ang natutuhan o nadama nila. Ang mga estudyanteng nakatanggap ng patriarchal blessing ay maaari ding magbahagi kung paano nakaapekto sa kanila ang kanilang basbas at ang kanilang kaugnayan sa Diyos. Tiyaking nauunawaan ng mga estudyante na hindi sila dapat magbahagi ng mga partikular na detalye ng kanilang mga patriarchal blessing (tingnan ang Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 18.17, Gospel Library).

Balikan ang “Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”

Pagsasalin ni Joseph Smith, Genesis 50:24–38

Paano pinagpapala ng Pagpapanumbalik ng ebanghelyo sa pamamagitan ni Joseph Smith ang aking buhay?

Maaari kang magpakita ng isang larawan ni Propetang Joseph Smith. Anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan ang mga sumusunod na tanong at isulat ang kanilang mga tugon:

Joseph Smith

Brother Joseph, ni David Lindsley

  • Paano maaaring maiba ang buhay mo kung hindi ipinanumbalik ng Panginoon ang ebanghelyo sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith? Paano maaaring maapektuhan ang ugnayan mo sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

Hikayatin ang mga estudyante na patuloy na pag-isipan ang mga tanong na ito sa buong aktibidad sa pag-aaral na ito. Ipaliwanag na magkakaroon sila ng pagkakataon kalaunan na ibahagi ang kanilang mga iniisip.

Ipaliwanag na bago siya mamatay, nagpropesiya si Jose ng Egipto na ang Panginoon ay magbabangon ng dalawang dakilang propeta upang iligtas ang Kanyang mga tao. Ang una ay si Moises, na magliligtas sa mga anak ni Israel mula sa Egipto. Ang pangalawa ay isang dakilang tagakita na tutulong para mailabas ang mga tao mula sa espirituwal na kadiliman sa mga huling araw. Ang dakilang tagakita na ito ay si Propetang Joseph Smith.

Upang maihanda ang mga estudyante na pag-aralan ang propesiya ni Jose, tulungan silang hanapin ang Pagsasalin ni Joseph Smith sa Genesis 50:24–38 sa kanilang mga banal na kasulatan. Ang mga talatang ito ay matatagpuan sa Gospel Library (mag-navigate sa Banal na Kasulatan at pagkatapos ay sa Mga Tulong sa Pag-aaral para mahanap ang “Pagsasalin ni Joseph Smith”). Maaaring pag-aralan ng mga estudyante na walang access sa mga resource na ito ang buod ni Lehi sa propesiyang ito sa 2 Nephi 3:4–11.

Anyayahan ang mga estudyante na pag-aralan ang Pagsasalin ni Joseph Smith sa Genesis 50:24–33. Upang magabayan ang kanilang pag-aaral, ipakita ang sumusunod na talahanayan at sabihin sa mga estudyante na kumpletuhin ito. Maaari ding pag-aralan ng mga estudyante ang mga entry na may kaugnayan sa mga talatang ito sa Mga Tulong sa Banal na Kasulatan: Lumang Tipan upang matulungan silang makumpleto ang chart.

Mga propesiya tungkol kay Joseph Smith (PJS, Genesis 50:24–33)

Posibleng Katuparan ng mga Propesiya

Mga propesiya tungkol kay Joseph Smith (PJS, Genesis 50:24–33)

Posibleng Katuparan ng mga Propesiya

Kapag natapos na ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral, anyayahan silang ibahagi ang kanilang natutuhan o naramdaman. Bilang bahagi ng talakayang ito, maaaring matukoy ng mga estudyante ang mga katotohanang tulad nito: Sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith, ipinanumbalik ng Panginoon ang Kanyang ebanghelyo sa lupa at inilabas ang Aklat ni Mormon. Ang Aklat ni Mormon at ang Biblia ay magdadala ng kapayapaan, katotohanan, at kaalaman ng ebanghelyo ni Jesucristo sa mundo.

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang mga katotohanang ito, maaari mong itanong ang mga sumusunod:

  • Sa paanong mga paraan napagpala ang buhay ninyo dahil ipinanumbalik ng Panginoon ang Kanyang ebanghelyo sa pamamagitan ni Joseph Smith?

  • Paano nakatulong sa inyo ang Aklat ni Mormon at ang Biblia na mas mapalapit kay Jesucristo?

Maaari mo ring talakayin ang pahayag na ito ni Elder Neil L. Andersen at pagkatapos ay itanong ang mga sumusunod:

Elder Neil L. Andersen

Bawat naniniwala ay kailangan ng espirituwal na pagpapatibay ukol sa banal na misyon at pagkatao ni Propetang Joseph Smith. Totoo ito sa bawat henerasyon. …

Ang negatibong komentaryo tungkol kay Propetang Joseph Smith ay madaragdagan pa habang papalapit ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas. Ang mga katotohanang may halong kasinungalingan at panlilinlang ay hindi mababawasan. May mga kapamilya at kaibigan na mangangailangan ng tulong ninyo. (“Joseph Smith,” Liahona, Nob. 2014, 29–30)

  • Ano ang nakatulong sa inyo para mapalakas ninyo ang inyong patotoo tungkol kay Propetang Joseph Smith?

  • Paano ninyo matutulungan ang mga kaibigan o mga kapamilya na maaaring mangailangan ng inyong tulong?

Hikayatin ang mga estudyante na mag-isip ng mga paraan kung paano nila mapapalakas ang kanilang patotoo kay Propetang Joseph Smith o maibabahagi ang kanilang patotoo sa iba. Hikayatin silang itala ang kanilang mga ideya at mga espirituwal na impresyon.

Balikan ang “Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”