Mga Tulong sa Banal na Kasulatan
Pambungad


Mga Tulong sa Banal na Kasulatan: Lumang Tipan

Pambungad

Ang resource na ito ay naglalayong tulungan ang mga mag-aaral na mas maunawaan ang Lumang Tipan. Ginawa ito upang tumulong sa pag-aaral ng banal na kasulatan—hindi upang palitan ito. Ibinibigay nito ang mga sumusunod na tulong:

  • Impormasyon ng konteksto. Mga kabatirang pangkasaysayan, pangkultura, at pangheograpiya na nagbibigay ng konteksto sa mga kuwento, turo, at doktrina ng mga banal na kasulatan.

  • Mga paliwanag tungkol sa wika. Mga paglilinaw ng mga mahirap maunawaang kataga, makalumang ekspresyon, at nakalilitong pagsasalin.

  • Tulong sa mahihirap o nakalilitong passage. Mga Banal na Kasulatan ng Pagpapanumbalik, mga salita ng mga makabagong propeta at apostol, at mapagkakatiwalaang kaalaman upang makatulong sa paglilinaw ng kahulugan ng mahihirap na passage.

  • Mga mensahe at artikulo. Isang bahaging “Alamin ang Iba pa” na may mga mensahe mula sa mga lider ng Simbahan at mga artikulong gawa ng Simbahan na may kaugnayan sa mga kuwento at turo na matatagpuan sa mga banal na kasulatan.

  • Media. Mga larawan at video na makatutulong sa mga mambabasa na maisalarawan at maunawaan ang lugar, mga bagay, simbolismo, at mga kuwento sa mga banal na kasulatan.

Paalala: Ang pagbanggit ng isang source na hindi inilathala ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay hindi nagpapahiwatig na ito o ang may-akda nito ay ineendorso ng Simbahan o kumakatawan sa opisyal na posisyon ng Simbahan.

Habang sinisikap mong mas maunawaan ang Lumang Tipan, tandaan ang kahalagahan ng pag-aaral ng itinuturo ng mga buhay na propeta at apostol ng Tagapagligtas. Habang nag-aaral ka, hangaring malaman kung paano binibigyang-kahulugan, ipinaliliwanag, at isinasabuhay ng mga tagapaglingkod ng Panginoon ang mga banal na kasulatan (tingnan sa “Using Teachings of Church Leaders to Understand the Scriptures” sa Scripture Study Skills).

Simulan sa panalangin ang iyong pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Hingin ang patnubay ng Espiritu Santo, na napakahalaga sa paghahanap mo ng katotohanan. Bilang miyembro ng Panguluhang Diyos, ang Espiritu Santo ay nagpapatotoo sa Ama at sa Anak, nagtuturo ng katotohanan, at nagpapabanal sa atin. Ang Espiritu ay nagpapaalala sa atin ng mga bagay-bagay, nagpapanatag, nagbibigay sa atin ng pag-asa, at ipinapakita sa atin kung paano ipamuhay ang natututuhan natin.