Mga Tulong sa Banal na Kasulatan
Genesis 24–33


“Genesis 24–33,” Mga Tulong sa Banal na Kasulatan: Lumang Tipan (2025)

Mga Tulong sa Banal na Kasulatan

Genesis 24–33

Naghanda ang Panginoon ng daan para ikasal sina Isaac at Rebecca sa loob ng tipan.Kalaunan ay nagkaanak sila ng kambal, sina Jacob at Esau.Nang lumaki na si Esau, hindi niya inuna ang pagtanggap sa pagkapanganay o sa kanyang mga walang-hanggang pagpapala.Tinanggap ni Jacob ang pagkapanganay at naglakbay siya patungo sa bayan ng kanyang ina upang maghanap ng asawa.Habang naglalakbay, nagkaroon siya ng pangitain na naghikayat sa kanya na makipagtipan sa Diyos sa tipang Abraham.Lubos na nagsumikap si Jacob upang maikasal sa loob ng tipan.Iniutos sa kanya ng Diyos na bumalik sa kanyang bayan.Sa kanyang paglalakbay, nakipagtunggali si Jacob upang tumanggap ng pagpapala mula sa Diyos.Pinalitan ng Panginoon ang pangalan ni Jacob at ginawa itong Israel.Nagkasundo sina Jacob at Esau.

Resources

Paalala: Ang pagbanggit ng isang source na hindi inilathala ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay hindi nagpapahiwatig na ito o ang may-akda nito ay ineendorso ng Simbahan o kumakatawan sa opisyal na posisyon ng Simbahan.

Background at Konteksto

Genesis 24:2–9

Bakit ayaw ni Abraham na ikasal si Isaac sa isang taga-Canaan?

Ang mga taga-Canaan sa panahon ni Abraham ay sumasamba sa mga diyus-diyusan at nakikibahagi sa iba pang gawing salungat sa pagsamba kay Jehova.Kung ikinasal si Isaac sa isang taga-Canaan, siya ay hindi makapapasok sa tipan ng kasal ng Panginoon at hindi makatatanggap ng ipinangakong pagpapala ng Panginoon na may kaugnayan sa tipang Abraham.Kasama sa Lumang Tipan ang matitinding babala tungkol sa pagpapakasal sa mga taong sumasamba sa ibang mga diyos.

Para sa mga Banal sa mga Huling Araw, ang tipan sa kasal ay nagaganap sa bahay ng Panginoon.Kapag sinusunod natin ang mga tipang ito, magiging karapat-dapat tayo sa mga pagpapalang ipinangako rin kay Abraham.Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson: “Ang tipan sa kasal na ginawa sa templo ay tuwirang nakabigkis sa tipang Abraham.Sa templo, ipinababatid sa mag-asawa ang lahat ng mga pagpapalang nakalaan para sa matatapat na inapo nina Abraham, Isaac, at Jacob.”

Genesis 25:6

Ano ang asawang-lingkod o kalunya?

Noong sinaunang panahon, ang kalunya ay isang babae sa loob ng isang sambahayan na legal na kasal sa isang lalaki ngunit may mas mababang legal at panlipunang katayuan kaysa sa isang asawa.Ang pagpapakasal sa mga kalunya ay karaniwan sa sinaunang kultura ng Near East—lalo na sa mga pagkakataong hindi kayang magkaanak ng unang asawa ng isang lalaki.Ang mga kilalang kalunya ni Abraham ay sina Hagar at Keturah.Tinanggap ni Jacob sina Bilha at Zilpa bilang mga kalunya mula sa kanyang mga asawang sina Lea at Raquel.Pinagtitibay ng paghahayag sa mga huling araw na sinang-ayunan ng Panginoon ang mga kasal na ito.

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan sa “Genesis 16:1–3. Bakit ibinigay ni Sarai si Hagar kay Abraham bilang asawa?

Genesis 25:29

Ano ang nilaga?

Ang salitang Hebreo para sa “nilaga” ay nangangahulugang “pinakuluang pagkain.”Noong panahon ng Lumang Tipan, ang nilaga ay karaniwang isang nilagang ginawa sa pamamagitan ng pagpapakulo ng mga gulay, at kung minsan ay karne, sa tubig.Ang nilaga ni Jacob ay gawa sa lentils, na maliliit at parang gisantes na mga legume.

Genesis 25:32

Ano ang pagkapanganay?

Sa Lumang Tipan, ang ama ang may pananagutan sa temporal at espirituwal na kapakanan ng kanyang pamilya.Kapag namatay ang ama, ang isang anak na lalaki—na karaniwang panganay—ang magmamana ng responsibilidad ng ama sa pamilya.Kilala bilang pagkapanganay ang mga espirituwal at temporal na responsibilidad na ito.Madalas ding namamana ng panganay na anak ang dobleng bahagi ng mga ari-arian ng ama, na inaasahang gagamitin niya upang makatulong sa pangangalaga sa pisikal na pangangailangan ng pamilya.

Genesis 25:29–34

Bakit ipinagbili ni Esau ang kanyang pagkapanganay?

Ang salaysay tungkol sa pagbebenta ni Esau ng kanyang pagkapanganay para sa nilaga ay nagtatapos sa pariralang “Ganyan hinamak ni Esau ang kanyang pagkapanganay.”Ang salitang Hebreo na isinalin bilang “hinamak” ay maaari ding mangahulugang “binalewala.”Ang mga ginawa ni Esau ay nagpapakita na maaaring mas mahalaga sa kanya ang kanyang mga agarang pisikal na pangangailangan kaysa sa mga pagpapala at responsibilidad ng kanyang pagkapanganay.Ang mga karagdagang halimbawa ng pagbabalewala ni Esau sa kanyang pagkapanganay ay ang kanyang pagpapakasal sa mga babaeng taga-Canaan na labas sa tipan.

Ipinaliwanag ni Pangulong Dallin H. Oaks: “Pinahalagahan ni Jacob ang espirituwal, habang hinangad naman ni Esau ang mga bagay ng mundong ito.Nang siya ay magutom, ipinagbili ni Esau ang kanyang pagkapanganay para sa isang mangkok ng nilaga. …Maraming Esau ang isinuko ang isang bagay na may walang hanggang kahalagahan upang bigyang-kasiyahan ang pansamantalang pagkagutom sa mga bagay ng mundo.”

Ipinagbili ni Esau ang kanyang pagkapanganay kay Jacob para sa nilaga

Esau Sells His Birthright [Ipinagbili ni Esau ang Kanyang Pagkapanganay], ni Glen S. Hopkinson

Genesis 27:1–33

Bakit nagpanggap si Jacob na siya si Esau?

Nalaman ni Rebecca sa pamamagitan ng paghahayag na pagpapalain si Jacob nang higit kay Esau.Posibleng ang mga ginawa nina Rebecca at Jacob na nakatala sa Genesis 27 ay labis na pagkamasigasig, at hindi perpektong pagtatangka para tulungan si Jacob na matanggap ang mga pagpapalang ipinangako ng Panginoon na ibibigay sa kanya.Maaaring kulang din sa mga detalye ang salaysay na ito na maaaring makatulong sa atin na mas malinaw na maunawaan ang mga ginawa at intensyon nina Rebecca at Jacob.

Pagkatapos malaman ni Isaac na naipagkaloob niya kay Jacob ang pagpapala nang hindi sinasadya, maaari niyang ipawalang-bisa ang pagpapala at ipagkaloob ito kay Esau.Gayunpaman, pinili niyang huwag ito gawin.Sa gayon tiniyak ni Isaac na ang pagpapala ay ibinigay sa taong nilayon ng Panginoon.

Genesis 28:10–15

Ano ang kahalagahan ng panaginip ni Jacob tungkol sa hagdan?

Itinuro ni Pangulong Marion G. Romney:

“Nang maglakbay si Jacob mula sa Beer-seba patungo sa Haran, nanaginip siya kung saan nakita niya ang kanyang sarili sa lupa sa paanan ng isang hagdan na umaabot sa langit kung saan nakatayo ang Panginoon sa itaas nito.Nakita niya ang mga anghel na umaakyat at bumababa roon, at natanto ni Jacob na ang mga tipang ginawa niya sa Panginoon ay may mga baitang sa hagdan na kailangan niya mismong akyatin upang matamo ang ipinangakong mga pagpapala—mga pagpapalang magpapamarapat sa kanya na makapasok sa langit at makasama ang Panginoon.

“Dahil nakilala niya ang Panginoon at nakipagtipan sa kanya roon, itinuring ni Jacob na napakasagrado ng lugar kaya pinangalanan niya ang lugar na Betel, isang pagpapaikli ng Beth-Elohim, na literal na nangangahulugang ‘Bahay ng Panginoon.’Sinabi niya tungkol dito: ‘… ito ay walang iba kundi ang bahay ng Diyos, at ito ang pintuan ng langit’ (Gen. 28:17). …

“Ang mga templo ay para sa ating lahat kung ano ang Betel kay Jacob.”

Si Jacob sa isang lugar na tinawag niyang Betel

Jacob at Bethel [Si Jacob sa Betel], ni James Smetham

Genesis 29:23–28

Bakit may mga pag-aasawa nang higit sa isa sa Lumang Tipan?

Tingnan sa “Genesis 16:1–3. Bakit ibinigay ni Sarai si Hagar kay Abraham bilang asawa?

Genesis 29:30–33

Kinamumuhian ba ni Jacob si Lea?

Matapos ang pitong taon ng pagtatrabaho upang pakasalan si Raquel, si Jacob ay nalinlang ni Laban at sa huli, ikinasal siya sa ate ni Raquel na si Lea.Iginalang ni Jacob ang kanyang kasal kay Lea at pumayag na magtrabaho ng karagdagang pitong taon upang pakasalan din si Raquel.Bagama’t wala tayong dahilan para isipin na hindi maganda ang pakikitungo ni Jacob kay Lea, sinasabi sa King James Bible na “nakita ng Panginoon na si Lea ay kinapootan.”Gumagamit ang ibang salin ng mga salitang “hindi minahal” at “hindi minamahal” sa halip na “kinapootan.”Anuman ang pagsasalin, ipinahihiwatig ng teksto na mas gusto ni Jacob si Raquel.

Katulad ng karanasan ni Hagar, ipinakita ng Diyos ang Kanyang magiliw na pagmamahal at pagmamalasakit kay Lea sa kanyang mahihirap na kalagayan sa pamamagitan ng pagkaakloob sa kanya ng mga anak.Ang mga pangalang ibinigay ni Lea sa ilan sa kanyang mga anak na lalaki ay sumasalamin sa nadama niya tungkol sa Diyos sa kanyang mga pagsubok.

Genesis 30:14–16

Ano ang mga mandragora?

Ang salitang Hebreo na isinalin bilang “mandragora” ay “tumutukoy sa ‘bunga ng pag-ibig.’Ang prutas ay masarap kainin at mabango at pinaniniwalaang magdadalang-tao ang sinumang kakain nito.”Ang halaman na mandragora ay may mga ugat na kulay-laman na kung minsan ay maaaring kahawig ng maliliit na pigura ng tao, na maaaring nagbigay-inspirasyon sa mga pamahiin na nakatulong ang mga mandragora sa pagkakaroon ng anak.

Genesis 30:37–43

Ano ang layunin ng mga pamamaraang ginamit ni Jacob sa kanyang bakahan?

Gumawa ng kasunduan si Laban na maaaring panatilihin ni Jacob ang lahat ng hayop sa kanyang kawan na may mga balat na kakaiba ang kulay.Kaya para dumami ang kanyang kawan, naglagay si Jacob ng mga sanga na may guhit at may mga bati sa harap ng mga hayop habang sila ay nagsisiping.May pamahiin na kung ano ang tinitingnan ng isang hayop habang ito ay nagsisiping ay makakaapekto sa hitsura ng mga supling nito.Ang pagiging epektibo ng pamamaraang ito ay hindi kailanman pinagdudahan sa salaysay, ngunit kalaunan ay ibinigay ni Jacob ang lahat ng papuri sa Panginoon para sa himalang ito.

Genesis 31:19, 30–35

Bakit nagnakaw si Raquel sa kanyang ama?

Ang “mga diyos” o imahe na ninakaw ni Raquel sa kanyang ama na si Laban ay maliliit na rebulto na ginagamit ng mga tao sa sinaunang Near East bilang mga diyusdiyusan sa kanilang mga tahananAng parehong salitang Hebreo na ito ay ginamit din sa Lumang Tipan upang tukuyin ang mga bagay na ginagamit sa panghuhula o pagbabasa ng kapalaran.

Bagama’t hindi ipinaliwanag sa teksto kung bakit kinuha ni Raquel ang mga diyus-diyusan ng kanyang ama, maraming mga teorya ang naglabasan.Kasama sa ilang teorya na sinusubukan ni Raquel na patigilin ang kanyang ama sa pagsamba sa diyus-diyusan o binalak niyang gamitin ang mga bagay na ito bilang pangtubos kung sakaling bihagin ni Laban sina Lea at Raquel.Ang isa pang teorya ay ang mga rebulto ay nakaugnay sa mga legal na karapatan ng mana.Maaaring sinisikap ni Raquel na makuha para sa kanyang pamilya ang mana na nadama nila ni Lea na dapat ibigay sa kanila ng kanilang ama.

Genesis 32:24–32

Ano ang kahalagahan ng pakikipagtunggali o pakikipagbuno ni Jacob?

Nang lisanin ni Jacob ang kanyang bayan patungong Haran, nais siyang patayin ni Esau dahil sa kanilang pagtatalo noon tungkol sa pagkapanganay.Pagkatapos magtrabaho ni Jacob para kay Laban sa loob ng 20 taon sa Haran, iniutos ng Panginoon kay Jacob na bumalik sa Canaan, na nangangakong, “ako’y kasama mo.”Bagama’t sumunod si Jacob, natakot siya sa kung ano ang maaaring gawin ni Esau sa kanya at sa kanyang pamilya.

Bago muling makasama si Esau, hiniling ni Jacob na mapag-isa at humingi siya ng tulong sa Diyos.Sa puntong ito, sinasabi sa salaysay na buong gabing nakipagbuno si Jacob sa isang lalaki.Hindi malinaw kung sino ang lalaki.May ilan na iniisip na isa siyang anghel, habang iminumungkahi naman ng iba na isa siyang mortal na sugo na ipinadala mula sa Diyos.Ang salitang Hebreo na ginamit para sa lalaki sa mga talatang ito ay sumusuporta sa dalawang posibilidad at maaari ring tumukoy sa Diyos mismo.

Ang malinaw ay lubos na nagnanais si Jacob ng pagpapala.Ang pakikipagbunong ito ay kung paano niya ito nakuha.Matapos ang karanasan ni Jacob, ipinahayag niya, “Nakita ko ang Diyos sa harapan, at naligtas ang aking buhay.”Ang karanasang iyon ay nagpatunay sa mga pangako ng Panginoon kay Jacob at nakatulong sa kanya na ihanda siya sa pagharap sa kanyang kapatid.

Genesis 32:28

Bakit pinalitan ng Israel ang pangalan ni Jacob?

Ang kahulugan ng Jacob ay “pumalit.”Sa Hebreo maaaring maiugnay ang pangalan sa ideyang pinapalitan ang iba sa pamamagitan ng panlilinlang.Nakita ni Esau si Jacob sa ganitong paraan nang makuha ni Jacob ang pagkapanganay at ang pagpapalang karapat-dapat para kay Esau, ang panganay na anak.

Ngunit pagkatapos ng pakikipagtunggali ni Jacob sa gabi, pinalitan ng Panginoon ang pangalan ni Jacob at ginawang Israel.Mula sa karanasang ito, itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson: “Saglit nating gunitain ang mahalagang pagbabago sa buhay ni Jacob, na apo ni Abraham.Sa lugar na tinawag ni Jacob na Peniel (na ibig sabihin ay ’ang mukha ng Diyos’), naranasan ni Jacob na makipagtunggali.Sinubukan ang kanyang kalayaang pumili.Sa pagtutunggaling ito, ipinakita ni Jacob kung ano ang pinakamahalaga sa kanya.Ipinakita niya na handa siya na hayaang manaig ang Diyos sa kanyang buhay.Bilang tugon, binago ng Diyos ang pangalan ni Jacob at [ginawang] Israel, na ibig sabihin ay ‘hayaang manaig ang Diyos.’At nangako ang Diyos kay Israel na lahat ng pagpapalang ipinagkaloob kay Abraham ay makakamit niya rin.”

Ang pagpapalit ng pangalan ni Jacob sa Israel ay kumakatawan sa personal na pagbabago ni Jacob.“Israel” din ang naging pangalan ng bansang magmumula sa kanya.Mula sa kanyang 12 anak na lalaki ay nagmula ang labindalawang lipi ng Israel, at ang pangalang Israel ay naging kasingkahulugan ng mga taong pinili ng Diyos upang isagawa ang Kanyang tipan.

Alamin ang Iba pa

Walang hanggang kasal

Pagkapanganay

Pakikipagtipan sa Diyos

Media

Mga Larawan

Si Rebecca na may hawak na isang pitsel ng tubig

Illustration of Rebekah [Paglalarawan kay Rebecca], ni Dilleen Marsh

Si Rebecca na nagbubuhos ng tubig sa isang baso para kay Abraham

Rebekah at the Well [Si Rebecca sa Tabi ng Balon], ni Michael Deas

isang paglalarawan ng panaginip ni Jacob tungkol sa hagdan at mga anghel na bumababa mula sa langit

Jacob’s Dream at Bethel [Panaginip ni Jacob sa Betel], ni J. Ken Spencer

Magkayakap sina Jacob at Esau

Jacob and Esau Embrace [Sina Jacob at Esau na Magkayakap], ni Robert T. Barrett

Mga Tala

  1. Tingnan sa Exodo 34:11–16; Deuteronomio 7:3–4.

  2. Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 84:20–22; 38–40; 131:1–4.

  3. Ang Tipang Abraham,” sa Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Russell M. Nelson (2024), Gospel Library.

  4. Tingnan sa Richard Neitzel Holzapfel at iba pa, Jehovah and the World of the Old Testament: An Illustrated Reference for Latter-day Saints (2009), 64.Tingnan din sa Tremper Longman III at Mark L. Strauss, The Baker Expository Dictionary of Biblical Words (2023), “Concubine,” 175.

  5. Tingnan sa Camille Fronk Olson, Women of the Old Testament (2009), 37–39; Rodney Turner, “Morality and Marriage in the Book of Mormon,” sa The Book of Mormon: Jacob through Words of Mormon, To Learn with Joy, pat.Monte S. Nyman at Charles D. Tate Jr. (1990), 280–81.

  6. Tingnan sa Genesis 16:1–3; 25:1; 1 Mga Cronica 1:32.Sa pamamagitan ng angkan ni Keturah, natanggap ni Moises ang Melchizedek Priesthood mula sa kanyang biyenan na si Jetro (tingnan sa Exodo 3:1; Doktrina at mga Tipan 84:6).

  7. Tingnan sa Genesis 30:3–4, 9.Tanging si Bilha lang ang partikular na tinatawag na kalunya sa Genesis 35:22.

  8. Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 132:37.

  9. Longman at Strauss, The Baker Expository Dictionary, entry 5138, pahina 990.

  10. Tingnan sa J. D. Douglas at Merrill C. Tenney, Zondervan Illustrated Bible Dictionary (2011), 773.

  11. Tingnan sa Genesis 25:34.Tingnan din sa Douglas at Tenney, Zondervan Illustrated Bible Dictionary, 764.

  12. Tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Panganay,” Gospel Library.

  13. Tingnan sa Holzapfel at iba pa, Jehovah and the World of the Old Testament, 62.

  14. Tingnan sa Deuteronomio 21:17; tingnan din sa Bradley R. Wilcox, “O Mga Kabataang May Marangal na Pamana,” Liahona, Nob. 2024, 94; Holzapfel at iba pa, Jehovah and the World of the Old Testament, 62.

  15. Genesis 25:34.

  16. Tingnan sa Longman at Strauss, The Baker Expository Dictionary, “Despise,” 225.Tingnan sa Aaron P. Schade, “Isaac and Jacob: Succession Narratives, Birthrights, and Blessings,” sa From Creation to Sinai: The Old Testament through the Lens of the Restoration, pat.Daniel L. Belnap at Aaron P. Schade (2021), 355‒59.Kabilang sa iba pang halimbawa ng salitang hamakin na ginamit sa ganitong paraan ay Mga Bilang 15:31; 2 Samuel 12:9; 2 Mga Cronica 36:16; Ezekiel 22:8; at Malakias 1:6.

  17. Tingnan sa Genesis 26:34–35.

  18. Dallin H. Oaks, “Spirituality,” Ensign, Nob. 1985, 61.

  19. Tingnan sa Genesis 25:23.

  20. Tingnan sa Schade, ”Isaac and Jacob,” sa From Creation to Sinai, pat.Belnap at Schade, 355‒59.

  21. Tingnan sa Genesis 27:33.Kalaunan, nang maghanda na si Jacob na umalis patungong Padan-aram upang makatakas sa poot ni Esau, malinaw na ibinigay sa kanya ni Isaac ang pagpapala ni Abraham (tingnan sa Genesis 28:3–4).

  22. Marion G. Romney, “Temples—The Gates to Heaven,” Ensign, Mar. 1971, 16.

  23. Tingnan sa Genesis 29:26–28.

  24. Genesis 29:31.

  25. Tingnan sa Genesis 29:31 (New International Version); Genesis 29:31 (New Revised Standard Version).

  26. Tingnan sa Genesis 29:31.

  27. Tingnan sa Genesis 29:32–35.Tingnan din sa Camille Fronk Olson, “The Matriarchs: Administrators of God’s Covenantal Blessings,” sa Belnap at Schade, From Creation to Sinai, 405–12.

  28. Bible Dictionary, “Mandrake.”

  29. Tingnan sa Olson, Women of the Old Testament, 71.

  30. Tingnan sa Genesis 30:31–34.

  31. Tingnan sa Genesis 30:37–41.

  32. Tingnan sa Adele Berlin at Marc Zvi Brettler, mga pat., The Jewish Study Bible, ika-2 ed. (2014), 58, 59, mga tala sa Genesis 30:35–42 at 31:4–13.

  33. Tingnan sa Genesis 31:9.

  34. Tingnan sa Longman at Strauss, The Baker Expository Dictionary, entry 8655, pahina 1035; David Noel Freedman, pat., TheAnchor Bible Dictionary, tomo 3 (1992), “Idol, idolatry,” 378–79.

  35. Tingnan sa Ezekiel 21:21; Zacarias 10:2.

  36. Tingnan sa Olson, “The Matriarchs,” 409–10.

  37. Tingnan sa D. Guthrie at J. A. Motyer, mga pat., The New Bible Commentary, rev. ed. (1970), 104–5.

  38. Tingnan sa Genesis 31:14–16.

  39. Tingnan sa Genesis 27:41–44.

  40. Tingnan sa Genesis 31:41.

  41. Genesis 31:3.

  42. Tingnan sa Genesis 32:6–7, 11–12.

  43. Tingnan sa Genesis 32:24, 26.

  44. Tingnan sa Genesis 32:24.

  45. Tingnan sa Andrew C. Skinner, “Jacob in the Presence of God” sa Sperry Symposium Classics: The Old Testament, pat.Paul Y. Hoskisson (2005), 124.

  46. Tingnan sa Genesis 32:26.

  47. Genesis 32:30.

  48. Tingnan sa Genesis 31:3.

  49. Bible Dictionary, “Jacob.”

  50. Ang pangalang Jacob (ya’aqob) ay katulad sa “pumalit” o “tagasalo ng sakong” (‘āqab) sa Hebreo (tingnan sa Longman at Strauss, The Baker Expository Dictionary, entry 6117, pahina 1003).

  51. Tingnan sa Genesis 27:36.

  52. Tingnan sa Genesis 32:24–28.

  53. Russell M. Nelson, “Hayaang Manaig ang Diyos,” Liahona, Nob. 2020, 92.

  54. Ang isang paraan ng pagpapakita ni Israel ng kanyang pagbabago ay ang pakikipagkasundo niya kay Esau (tingnan sa Genesis 33:1–4).

  55. Tingnan sa Bible Dictionary, “Israel.”

  56. Tingnan sa Genesis 49:1–28.

  57. Tingnan sa Bible Dictionary, “Abraham, covenant of.”