“Genesis 37–41,” Mga Tulong sa Banal na Kasulatan: Lumang Tipan (2025)
Mga Tulong sa Banal na Kasulatan
Genesis 37–41
Si Jose ay pinagpala ng Panginoon at ng kanyang ama na si Jacob, ngunit kinamumuhian at kinaiinggitan siya ng kanyang mga kapatid. Ipinagbili si Jose ng kanyang mga kapatid kay Potifar sa Egipto. Ang Panginoon ay kasama ni Jose sa kanyang paghihirap. Umunlad siya sa bahay ni Potifar hanggang sa pinaratangan siya at ibinilanggo. Umunlad si Jose sa bilangguan at binigyang-kahulugan niya ang mga panaginip ng katiwala ng kopa at ang panadero ng Faraon. Pagkatapos ay binigyang-kahulugan ni Jose ang mga panaginip ng Faraon, na nagbabala tungkol sa darating na taggutom. Si Jose ay ginawang pinuno ni Faraon sa Egipto, at nagpatupad ng planong mag-imbak ng pagkain bilang paghahanda sa taggutom.
Mga Resource
Paalala: Ang pagbanggit ng isang source na hindi inilathala ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay hindi nagpapahiwatig na ito o ang may-akda nito ay ineendorso ng Simbahan o kumakatawan sa opisyal na posisyon ng Simbahan.
Background at Konteksto
Genesis 37–45
Paano naging katulad ni Jesucristo si Jose?
Maraming aspeto ng buhay ni Jose ang makapagpapaalala sa atin tungkol kay Jesucristo. Ang sumusunod ay ilang halimbawa:
|
Mga scripture passage tungkol kay Jose |
Mga pagkakatulad ni Jose at ni Jesucristo |
Mga scripture passage tungkol kay Jesucristo |
|---|---|---|
Mga scripture passage tungkol kay Jose Genesis 37:3 | Mga pagkakatulad ni Jose at ni Jesucristo Sila ay mga minamahal na anak. | Mga scripture passage tungkol kay Jesucristo Mateo 3:17; Moises 4:2 |
Mga scripture passage tungkol kay Jose Genesis 37:4 | Mga pagkakatulad ni Jose at ni Jesucristo Sila ay hindi tinanggap ng ilan sa mga anak ng kanilang ama. | Mga scripture passage tungkol kay Jesucristo Isaias 53:3; Juan 1:11 |
Mga scripture passage tungkol kay Jose Genesis 37:18 | Mga pagkakatulad ni Jose at ni Jesucristo Nagsabwatan ang kalalakihan laban sa kanila. | Mga scripture passage tungkol kay Jesucristo Mateo 26:3–4 |
Mga scripture passage tungkol kay Jose Genesis 37:23 | Mga pagkakatulad ni Jose at ni Jesucristo Sila ay hinubaran ng kanilang kasuotan. | Mga scripture passage tungkol kay Jesucristo Mateo 27:28 |
Mga scripture passage tungkol kay Jose Genesis 37:26 | Mga pagkakatulad ni Jose at ni Jesucristo Sila ay ipinagkanulo ng mga lalaking nagngangalang Juda (“Judas” ang salitang Griyego ng pangalang Juda sa Hebreo). | Mga scripture passage tungkol kay Jesucristo Mateo 27:3 |
Mga scripture passage tungkol kay Jose Genesis 37:28 | Mga pagkakatulad ni Jose at ni Jesucristo Sila ay ibinenta sa halaga ng isang alipin noong panahon nila—si Jose sa halagang 20 pirasong pilak at si Cristo sa 30 piraso. | Mga scripture passage tungkol kay Jesucristo Mateo 27:3 |
Mga scripture passage tungkol kay Jose Genesis 37:29 | Mga pagkakatulad ni Jose at ni Jesucristo Si Jose ay hinanap ng kanyang panganay na kapatid na lalaki sa isang hukay na walang laman; si Cristo ay hinanap ng Kanyang senior na Apostol sa isang libingang walang laman. | Mga scripture passage tungkol kay Jesucristo Juan 20:3–6 |
Mga scripture passage tungkol kay Jose Genesis 39:10 | Mga pagkakatulad ni Jose at ni Jesucristo Napaglabanan nila ang matinding tukso. | Mga scripture passage tungkol kay Jesucristo Mga Hebreo 4:15; Doktrina at mga Tipan 20:22 |
Mga scripture passage tungkol kay Jose Genesis 39:12–18 | Mga pagkakatulad ni Jose at ni Jesucristo Sila ay pinaratangan na gumawa ng masama. | Mga scripture passage tungkol kay Jesucristo Mateo 26:59 |
Mga scripture passage tungkol kay Jose Genesis 40:8; 41:16 | Mga pagkakatulad ni Jose at ni Jesucristo Niluwalhati nila ang Diyos sa mabubuting bagay na ginawa nila. | Mga scripture passage tungkol kay Jesucristo Juan 8:28–29 |
Mga scripture passage tungkol kay Jose Genesis 42:8; 45:3–5 | Mga pagkakatulad ni Jose at ni Jesucristo Hindi sila nakilala ng mga taong dapat sana ay kilala sila. | Mga scripture passage tungkol kay Jesucristo Juan 6:42 |
Mga scripture passage tungkol kay Jose Genesis 45:1–5 | Mga pagkakatulad ni Jose at ni Jesucristo Inihayag ni Jose ang kanyang sarili sa kanyang mga kapatid nang dumating sila sa ikalawang pagkakataon. Ihahayag ni Jesucristo ang Kanyang sarili sa buong mundo sa Kanyang Ikalawang Pagparito. | Mga scripture passage tungkol kay Jesucristo Mateo 24:30–31; Doktrina at mga Tipan 45:51–53 |
Mga scripture passage tungkol kay Jose Genesis 45:3–5 | Mga pagkakatulad ni Jose at ni Jesucristo Handa nilang patawarin ang mga nagsisisi. | Mga scripture passage tungkol kay Jesucristo |
Mga scripture passage tungkol kay Jose Genesis 42:35; 45:7 | Mga pagkakatulad ni Jose at ni Jesucristo Sila ay mga tagapagligtas sa kanilang mga tao at nagbigay sa kanila ng tinapay na nagliligtas ng buhay. | Mga scripture passage tungkol kay Jesucristo Juan 4:42; 6:35, 51; Alma 5:34 |
Genesis 37:3
Ano ang damit na ibinigay kay Jose?
Ang salitang Hebreo na isinalin bilang “damit” sa King James Version ng Biblia ay maaari ding tumukoy sa isang “kasuotan,” “balabal,” o “tunic.” Iminungkahi ng mga iskolar na ang pariralang “damit na may sari-saring kulay” ay maaaring maglarawan ng isang kasuotan na detalyadong binurdahan at hanggang mga palad at paa ang haba. Posibleng natanggap ni Jose ang damit na ito upang katawanin ang kanyang tungkulin bilang anak ni Jacob na may karapatan sa pagkapanganay. Ang kasuotan ni Jose, pati ang kanyang mga panaginip at pagtatangi ng kanyang ama, ay nakadagdag sa pagkainggit sa kanya ng mga kapatid niya.
Genesis 37:3, 23
Ano ang itinuturo ng Aklat ni Mormon tungkol sa damit ni Jose?
Sa Aklat ni Mormon, nagbigay si Kapitan Moroni ng karagdagang impormasyon tungkol sa damit ni Jose na hindi nakatala sa Biblia. Ipinaliwanag niya na pinunit ng mga kapatid ni Jose ang damit nito at napanatili ang isa sa mga piraso nito. Kalaunan ay nagpropesiya ang ama ni Jose, na si Jacob, na sumisimbolo ang natitirang piraso ng damit ni Jose sa labi ng mga binhi ni Jose na pangangalagaan ng Diyos. Ang mga Nephita at Lamanita sa Aklat ni Mormon ay “labi ng mga binhi ni Jose.” Nangako ang Panginoon na ang mga inapo ni Jose ay “hindi masasawi habang nakatindig ang mundo.”
Paglalarawan sa mga kapatid ni Jose na tinatanggal ang kanyang damit, ni Sam Lawlor
Genesis 37:34
Bakit pinunit ni Jacob ang kanyang damit at nagsuot ng sako?
Kadalasang gumagawa ang mga tao sa Lumang Tipan ng mga tradisyonal na gawain o tanda upang ipahayag ang pagdadalamhati. Pinunit ni Jacob ang kanyang damit at nagsuot ng sako noong naniwala siyang namatay na si Jose. Ang sako ay isang magaspang na materyal na gawa sa balahibo ng kambing o kamelyo na isinusuot sa mga panahon ng pagdadalamhati o pagsisisi. Ang pagsusuot ng sako ay kadalasang sinasamahan ng pagpunit ng sariling damit.
Genesis 38:6–30
Ano ang nauunawaan natin tungkol sa naganap sa pagitan nina Juda at Tamar?
Sinunod ng mga sinaunang Israelita ang isang kaugalian sa pag aasawa na nakilala bilang “levirate marriage.” Ang levir ay Latin para sa “kapatid na lalaki ng asawang lalaki.” Ayon sa nakaugaliang batas na ito, ang isang balo na walang anak ay may karapatang pakasalan ang susunod na nakatatandang kapatid na lalaki o ang pinakamalapit na buhay na lalaking kamag-anak ng kanyang asawa. Ang mga anak na isinilang sa mga levirate marriage na ito ay palalakihin sa ngalan ng yumaong asawa ng babae at ituturing na kanyang mga anak, hindi ng kanyang buhay na kapatid na lalaki. Tinitiyak din sa levirate marriage ang pagbibigay ng suporta sa balo at mana sa loob ng pamilya.
Nang mamatay ang unang dalawang asawa ni Tamar—mga nakatatandang anak na lalaki ni Juda— ipinangako ni Juda sa kanya na ang pangatlong anak niyang si Shela ang magiging asawa ni Tamar kapag malaki na ito. Nang hindi tuparin ni Juda ang pangakong ito, gumamit si Tamar ng panlilinlang upang magkaroon ng anak kay Juda. Pahihintulutan ng kaugaliang levirate marriage na pakasalan mismo ni Juda si Tamar kung hindi niya maipapakasal dito ang sinuman sa kanyang mga anak na lalaki.
Marahil ay alam ni Tamar na maaaring magkaroon ng mabigat na mga bunga ang kanyang mga ginawa. Nang iutos ni Juda na sunugin si Tamar matapos niyang malaman na buntis ito, ginamit ni Tamar ang singsing, pulseras, at tungkod na ibinigay sa kanya ni Juda bilang patunay na siya ang ama. Inamin ni Juda ang kanyang kasalanan at ipinahayag, “Siya’y higit na matuwid kaysa akin.” Naligtas ang buhay ni Tamar at nagsilang siya ng kambal na lalaki. Sa pamamagitan ng kanyang anak na si Perez, si Tamar ay magiging ninuno ni Jesucristo.
Genesis 41:1
Gaano katagal sa bilangguan si Jose?
Dalawang taon na nabilanggo si Jose matapos niyang bigyang-kahulugan ang mga panaginip ng katiwala ng kopa at ng panadero. Ipinagbili siya upang maging alipin noong siya ay mga 17 taong gulang, at 30 taong gulang siya noong italaga siya ni Faraon na maging pangalawang pinuno sa Egipto. Sa kabuuan, nagtagal siya nang humigit-kumulang 13 taon sa bahay ni Potifar at sa bilangguan. Hindi nakasaad sa talaan kung gaano katagal naglingkod si Jose kay Potifar bago siya nabilanggo, ngunit ang katotohanang nagtrabaho siya nang husto para maging tagapangasiwa ng bilangguan ay nagpapahiwatig ng ilang panahon bago niya nakasama ang katiwala ng kopa at ang panadero. Posibleng nabilanggo si Jose sa loob ng tatlong taon o mahigit pa.
Joseph of Egypt in Prison [Si Jose ng Egipto sa Bilangguan], ni Jeff Ward
Genesis 41:2–5
Ano ang mga kine at mais?
Ang kine ay isa pang salita para sa “baka,” at ang pariralang “mga uhay ng mais” ay ginagamit upang kumatawan sa ilang mga uri ng butil, tulad ng trigo at barley.
Genesis 41:45
Ano ang kahulugan ng pangalang Egipto ni Jose?
Hindi malinaw ang kahulugan ng pangalang Egipto na Zafenat-panea. Kabilang sa ilang mungkahing kahulugan ay “siya na nagbubunyag ng yaong mga nakatago” o “ang Diyos ay nangungusap at buhay.”
Alamin ang Iba pa
Si Jose bilang halimbawa ni Cristo
-
“Mga Pagkakatulad ni Jose ng Egipto at ni Jesucristo,” Liahona, Mar. 2022, 48
Ang katapatan ni Jose sa gitna ng mga pagsubok
-
Kelly R. Johnson, “Ang Panginoon ay Kasama ni Jose,” Liahona, Mar. 2022, 44–47
Ang batas ng kalinisang-puri
-
Mga Paksa at Mga Tanong, “Kalinisang-puri,” Gospel Library
Ang propesiya ni Jose tungkol sa taggutom at kasaganaan
-
W. Christopher Waddell, “May Pagkain,” Liahona, Nob. 2020, 42–45
Media
Mga Larawan
Larawan ni Jose na ipinagbili sa Egipto ni William Brassey Hole (1846–1917) William Brassey Hole / Private Collection / © Look and Learn / Bridgeman Images
Joseph Is Sold by His Brothers [Ipinagbili si Jose ng Kanyang mga Kapatid], ni Ted Henninger
Women in Christ’s Line [Mga Babae sa Angkan ni Cristo], ni Sallie Clinton Poet
Joseph and the Butler and Baker (Joseph Interprets the Pharaoh’s Servants’ Dreams) [Si Jose at ang Katiwala ng Kopa at ang Panadero (Binibigyang-kahulugan ni Jose ang mga Panaginip ng mga Tagapaglingkod ng Faraon)], ni Del Parson
Joseph Interpreting the Butler and Baker’s Dreams [Binibigyang-kahulugan ni Jose ang mga Panaginip ng Katiwala ng Kopa at ng Panadero], ni François Gérard
Joseph, the Dream Interpreter [Si Jose, ang Tagapagbigay-kahulugan ng Panaginip], ni Kristi Kirisberg Harmon