Mga Tulong sa Banal na Kasulatan
Exodo 1–6


Mga Tulong sa Banal na Kasulatan

Exodo 1–6

Dumami ang bilang ng mga anak ng Israel sa Egipto, at inalipin sila ng bagong faraon.Iniutos ni Faraon na patayin ang lahat ng sanggol na lalaking Hebreo.Si Moises ay iniligtas ng kanyang ina at pinalaki ng anak na babae ni Faraon.Narinig ng Panginoon ang mga pagdaing ng mga Israelita at tinawag Niya si Moises upang iligtas sila sa pagkaalipin.Matapos masabi ni Moises ang alalahanin niya tungkol sa kanyang mga kakayahan, nangako ang Panginoon na sasamahan siya at bibigyan siya ng kapangyarihang iligtas ang Israel.Ibinigay rin ng Panginoon si Aaron bilang tagapagsalita ni Moises.Hiniling nina Moises at Aaron kay Faraon na palayain ang mga Israelita, ngunit tumanggi si Faraon at dinagdagan niya ang kanilang mga pasanin.Nang manalangin si Moises para matulungan, tiniyak sa kanya ng Panginoon na tutuparin Niya ang Kanyang mga tipan at ililigtas Niya ang mga Israelita.

Resources

Paalala: Ang pagbanggit ng isang source na hindi inilathala ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay hindi nagpapahiwatig na ito o ang may-akda nito ay ineendorso ng Simbahan o kumakatawan sa opisyal na posisyon ng Simbahan.

Background at Konteksto

Ano ang aklat ng Exodo?

Ang aklat ng Exodo ay salaysay tungkol sa pag-alis ng Israel mula sa pagkaalipin sa Egipto at ang kanilang paghahandang manahin ang lupang pangako bilang mga pinagtipanang tao ng Panginoon.Ang ibig sabihin ng salitang exodo ay “paglabas” o “pag-alis.”Sa aklat na ito, nasaksihan natin ang dakilang kapangyarihan ni Jehova at ang Kanyang pagmamahal na hatid ng tipan.Nagbibigay rin ang Exodo ng mga detalye tungkol sa pagpapalaki kay Moises at sa pagsisimula ng kanyang ministeryo bilang isang dakilang propeta ng Panginoon.

Ang mga pangyayaring nakatala sa Exodo—tulad ng paghahati ng Panginoon sa Dagat na Pula, pagbibigay ng manna sa ilang, at pagbibigay ng Sampung Utos—ay naging mahalagang batayan sa identidad ng Israel bilang mga tao.Binanggit ni Jesucristo at ng Kanyang mga propeta ang mga mahimalang pangyayaring ito para ituro ang iba’t ibang alituntunin ng ebanghelyo.Ang pagtakas ng Israel mula sa pagkaalipin at ang kanilang paglalakbay sa ilang ay maaaring sumasagisag sa ating paglalakbay sa isang mundong puno ng kasamaan at pagbabalik sa piling ng Diyos.

isang larawang naghahambing sa paglalakbay ng mga Israelita sa ilang at sa paglalakbay natin sa mortalidad

Ang aklat ng Exodo ay nahahati sa dalawang pangunahing bahagi.Ang kabanata 1–18 ay nagsasalaysay ng pagtawag kay Moises at ng pagliligtas sa Israel mula sa pagkaalipin.Ang kabanata 19–40 ay naglalarawan sa tipan ng Panginoon sa Israel at ang pagbibigay ng Kanyang batas sa Bundok ng Sinai, kasama ang pagtatayo ng tabernakulo.

Exodo 1:8

Ano ang maaaring ibig sabihin ng “hindi kilala si Jose” ng bagong hari ng Egipto?

Maraming mga iskolar ang naniniwala na sa panahon ni Jose, ang hilagang Egipto ay pinamumunuan ng mga taong Hyksos na hindi taga-Egipto.Kalaunan ay pinabagsak ng bagong dinastiya ang mga dayuhang pinunong iyon, na maaaring magpaliwanag sa pahayag na “may bumangong isang bagong hari sa Ehipto.”Naging mapagbantay ang bagong Faraon sa mga Israelita dahil sa iba’t ibang dahilan, kabilang ang pagdami ng kanilang populasyon, ang posibilidad na kumampi sila sa mga kaaway ng Egipto, at ang posibleng ugnayan nila sa mga dating pinunong Hyksos.

Exodo 1:17

Ano ang ibig sabihin ng natakot sa Diyos ang mga komadronang Hebreo?

Sinuway ng mga komadronang Hebreo na sina Sifra at Pua ang utos ni Faraon na patayin ang mga sanggol na lalaki na Hebreo dahil sila ay “natakot sa Diyos.”Ang pagkatakot sa Diyos ay nangangahulugang pagkakaroon ng pagpipitagan at malalim na paggalang sa Kanya.

Itinuro ni Elder David A. Bednar, “Di-tulad ng makamundong takot na lumilikha ng pangamba at pagkabalisa, ang takot sa Diyos ay pinagmumulan ng kapayapaan, katiyakan, at tiwala.”Ipinaliwanag pa niya na ang takot sa Diyos ay “kinapapalooban ng malalim na pagpipitagan, paggalang, at paghanga sa Panginoong Jesucristo … , pagsunod sa Kanyang mga kautusan … , at pag-asam sa Huling Paghuhukom at katarungan sa Kanyang kamay.

Sina Pua at Sifra na magkatabing nakatayo habang karga ni Sifra ang isang sanggol

Puah and Shiphrah Defy Pharaoh [Sinuway nina Pua at Sifra ang Faraon], ni Sallie Clinton Poet

Exodo 2:1–10

Ano ang mahalaga tungkol sa buhay at ministeryo ni Moises?

Si Moises ay isa sa mga pinakadakilang propeta na nakilala ng sanlibutan.Ang kanyang buhay at misyon ang paksa ng mga propesiya ni Jose ng Egipto ilang siglo bago siya ipinanganak.Maraming pagkakatulad ang buhay ni Moises at ang buhay at misyon ni Jesucristo, na tinawag na “isang propetang gaya” ni Moises.Nang tawagin ng Panginoon si Moises na maging propeta, sinabi Niya sa kanya, “Ikaw ay kawangis ng aking Bugtong na Anak.”

Nakalista sa sumusunod na talahanayan ang ilan sa mga pagkakatulad nina Moises at Jesucristo.

Mga passage tungkol kay Moises

Mga Pagkakatulad nina Moises at Jesucristo

Mga passage tungkol kay Jesucristo

Mga passage tungkol kay Moises

Exodo 1:15–16, 22; 2:1–3

Mga Pagkakatulad nina Moises at Jesucristo

Kapwa nila natakasan ang isang utos na patayin ang mga sanggol.

Mga passage tungkol kay Jesucristo

Mateo 2:13–16

Mga passage tungkol kay Moises

Exodo 3:7–10

Mga Pagkakatulad nina Moises at Jesucristo

Kapwa silang tinawag upang iligtas ang Israel.

Mga passage tungkol kay Jesucristo

2 Nephi 6:17

Mga passage tungkol kay Moises

Moises 1:1, 8

Mga Pagkakatulad nina Moises at Jesucristo

Kapwa silang dinala ng Espiritu sa isang mataas na bundok, kung saan ipinakita sa kanila ang mga kaharian ng mundo.

Mga passage tungkol kay Jesucristo

Pagsasalin ni Joseph Smith, Mateo 4:8

Mga passage tungkol kay Moises

Moises 1:12–22

Mga Pagkakatulad nina Moises at Jesucristo

Kapwa nilang napagtagumpayan ang mga panunukso ni Satanas.

Mga passage tungkol kay Jesucristo

Mateo 4:3–11

Mga passage tungkol kay Moises

Exodo 4:19

Mga Pagkakatulad nina Moises at Jesucristo

Kapwa silang nanatili sa malayong lugar hanggang sa nangamatay ang mga haring naghangad na ipapatay sila.

Mga passage tungkol kay Jesucristo

Mateo 2:19–20

Mga passage tungkol kay Moises

Exodo 14:21

Mga Pagkakatulad nina Moises at Jesucristo

Kapwa silang nagkaroon ng kapangyarihan sa hangin at dagat.

Mga passage tungkol kay Jesucristo

Marcos 4:37–39

Mga passage tungkol kay Moises

Exodo 16:15–18

Mga Pagkakatulad nina Moises at Jesucristo

Kapwa silang mahimalang nakapagbigay ng tinapay para sa kanilang mga tagasunod.

Mga passage tungkol kay Jesucristo

Juan 6:5, 10–13

Mga passage tungkol kay Moises

Exodo 17:5–6

Mga Pagkakatulad nina Moises at Jesucristo

Kapwa sila naglaan ng tubig na nakapagliligtas ng buhay.

Mga passage tungkol kay Jesucristo

Juan 4:10–14

Mga passage tungkol kay Moises

Exodo 20–23

Mga Pagkakatulad nina Moises at Jesucristo

Kapwa sila mga dakilang tagapagbigay ng batas.

Mga passage tungkol kay Jesucristo

3 Nephi 15:5–10

Mga passage tungkol kay Moises

Deuteronomio 9:16–20, 23–26

Mga Pagkakatulad nina Moises at Jesucristo

Kapwa sila mga tagapamagitan sa Diyos at sa kanilang mga tao.

Mga passage tungkol kay Jesucristo

1 Timoteo 2:5

Exodo 2:10

Ano ang alam natin tungkol sa pagpapalaki kay Moises sa Egipto?

Ang Exodo ay nagbigay lamang ng limitadong impormasyon tungkol sa buhay ni Moises sa Egipto pagkatapos siyang ampunin ng anak na babae ni Faraon.Gayunpaman, ang aklat ng Mga Gawa ay nagbigay ng mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga unang taon ni Moises.Ipinaliwang ni Esteban na “tinuruan si Moises sa lahat ng karunungan ng mga Ehipcio: at siya ay makapangyarihan sa kanyang mga salita at mga gawa.”At iminungkahi ng sinaunang Judio na mananalaysay na si Josephus na si Moises ay isang marunong at edukadong prinsipe at heneral ng militar na naglilingkod sa Egipto.

Ipinahihiwatig sa mga turo ni Esteban na alam ni Moises na siya ang magliligtas sa mga Hebreo mula sa Egipto.Itinuro niya na noong si Moises ay “apatnapung taong gulang na, naisipan niyang dalawin ang kanyang mga kapatid, na mga anak ni Israel. …Noon ay inisip niya na naunawaan ng kanyang mga kababayan na ibinigay ng Diyos sa kanila ang kaligtasan sa pamamagitan niya, ngunit hindi nila naunawaan.”

Exodo 2:11–15

Bakit pinatay ni Moises ang isang taga-Egipto?

Ang salaysay tungkol sa pagpatay ni Moises sa isang tagapangasiwang taga-Egipto ay maikli at maraming kulang na detalye.Ang salitang Hebreo na isinalin bilang “binubugbog” sa talata 11 ay isinalin bilang “pinatay” sa talata 12 at naglalarawan ito ng marahas na pagkilos ng mga kawal.Nagpapahiwatig ito na talagang nasa panganib ang buhay ng aliping Hebreo.Sa madaling salita, pinatay ni Moises ang taga-Egipto upang mailigtas ang buhay ng Hebreo.Ang mga ginawa ni Moises bago at pagkatapos ng pangyayari ay nagpapahiwatig na alam niyang hindi sasang-ayunan ng mga taga-Egipto ang kanyang ginawa.Gayunpaman, dahil siya ay nagtatanggol lamang, si Moises ay walang sala sa pagpatay.

Exodo 2:15–21

Sino si Jetro?

Si Jetro (kilala rin bilang Reuel) ay ang mataas na saserdote ng Midian, isang rehiyon sa silangan ng Egipto.Bilang Midianita, si Jetro ay inapo nina Abraham at Ketura sa pamamagitan ng kanilang anak na si Midian.Pinakasalan ni Moises si Zifora, isa sa mga anak na babae ni Jetro.Mula sa banal na kasulatan sa mga huling araw, nalaman natin na tinanggap ni Jetro ang priesthood sa pamamagitan ng angkan ni Abraham at iginawad niya ang priesthood kay Moises.

Exodo 2:23–25

Paano nauugnay sa mga Israelita sa Egipto ang tipan ng Diyos kina Abraham, Isaac, at Jacob?

Ang Panginoon ay gumawa ng mga kamangha-manghang pangako sa pamamagitan ng Kanyang mga tipan kina Abraham, Isaac, at Jacob.Kabilang sa mga pangakong ito ay na magmumula kay Abraham ang mga hari at mga bansa, na ang lahat ng bansa sa mundo ay pagpapalain sa pamamagitan ng kanyang binhi, at na tatanggapin ni Abraham at ng kanyang mga inapo ang lupain ng Canaan “bilang pag-aaring walang hanggan.”Ipinangako rin ng Panginoon kay Abraham na bagama’t balang-araw ay magiging alipin ang kanyang mga inapo “sa lupaing hindi kanila,” sa huli ay “aalis sila na may malaking ari-arian.”

Pagkatapos ng maraming siglo ng pagkaalipin sa Egipto, maaaring naging madali para sa mga Israelita na madama na nakalimutan na sila ng Diyos.Ngunit ipinapaalala sa atin ng Exodo 2:24 na “naalala ng Diyos ang kanyang tipan kina Abraham, Isaac, at Jacob.”Palaging tutuparin ng Panginoon ang Kanyang mga tipan sa Kanyang mga tao.Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson: “Kapag kayo at ako ay nakipagtipan sa Diyos, nagiging mas malapit ang ating ugnayan sa Kanya kaysa noong bago tayo makipagtipan.Ngayon ay nakabigkis na tayo sa isa’t isa.Dahil sa ating tipan sa Diyos, hindi Siya kailanman mapapagod sa Kanyang mga pagsisikap na tulungan tayo, at hindi kailanman mauubos ang Kanyang maawaing pasensya sa atin.Ang Diyos ay may espesyal na pagmamahal para sa bawat isa sa atin.”

Exodo 3:1

Ano ang mahalaga tungkol sa lugar kung saan nakita ni Moises ang Panginoon?

Ang pakikipagtagpo ni Moises sa Panginoon sa nagliliyab na palumpong ay naganap sa Horeb, ang “bundok ng Diyos.”Ang Horeb ay tinatawag ding Bundok ng Sinai at ito ang lugar kung saan kalaunan ay matatanggap ni Moises ang batas at ang Sampung Utos mula sa Panginoon.

Exodo 3:2–6

Ano ang matututuhan natin tungkol sa kaluwalhatian ng Diyos mula sa nagliliyab na palumpong?

Unang tinawag ng Diyos si Moises mula sa isang palumpong sa Bundok ng Sinai na “nagliliyab ngunit ito’y hindi nasusunog.”Ito ang kauna-unahang naitalang pagkakataon na nagpakita ang Panginoon kay Moises.Kalaunan, bago akayin ang mga anak ni Israel paalis ng Egipto, muling nakipag-usap si Moises sa Panginoon—nang “harapan” sa pagkakataong ito.Sa pakikipag-usap na iyon, “ang kaluwalhatian ng Diyos ay napasa kay Moises; kaya nga, natagalan ni Moises ang kanyang pagharap.”

Sa buong banal na kasulatan, ang mga paglalarawan sa presensya ng Diyos ay kadalasang nagbibigay-diin sa liwanag, kaluwalhatian, o apoy.Nang magpakita ang Panginoon kay Moises sa isa pang pagkakataon sa Sinai, ang Kanyang hitsura ay “tulad ng apoy na nagliliyab.”Ang mga anak ni Israel ay ginabayan ng presensya ng Panginoon sa isang “haliging apoy” sa kanilang paglalakbay sa ilang.Sa isang salaysay tungkol sa Unang Pangitain, inilarawan ni Propetang Joseph Smith ang isang haliging apoy na hindi nasunog ang mga nakapalibot na puno.Inilarawan ni Lehi ang isang haliging apoy sa ibabaw ng isang malaking bato.Gumamit ng katulad na salita ang ibang propeta upang ilarawan ang kaluwalhatian ng Diyos.

Si Moises na nakaluhod sa harap ng nagliliyab na palumpong sa Bundok ng Sinai

Moses and the Burning Bush [Si Moises at ang Nagliliyab na Palumpong], ni Jerry Thompson

Exodo 3:13–14

Ano ang kahulugan ng pangalang “AKO NGA”?

Ang Hebreong pangalan para sa Diyos ng Israel ay YHWH, isang salita na karaniwang isinasalin bilang Jehova sa Ingles.Ang pangalang ito ay batay sa pandiwang “maging” at maaaring mangahulugang “Siya nga,” o, sa pagtukoy sa sarili, “Ako nga.”Makikita sa pangalang ito ang walang hanggang katangian ni Jesucristo.Itinuro ni Elder D. Todd Christofferson: “Kapwa bilang si Jehova at ang Mesiyas, Siya ang dakilang Ako Nga, ang Diyos na nabubuhay ayon sa Kanyang kagustuhan at kapangyarihan.Siya ay nabubuhay at patuloy na mabubuhay.

Exodo 4:21

Pinatigas ba ng Diyos ang puso ni Faraon?

Ang pagpapatigas ng puso ni Faraon ay paulit-ulit na tema sa mga unang kabanata ng Exodo.Marami sa mga passage na ito ang nagsasabi na pinatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon.Gayunpaman, sa Pagsasalin ni Joseph Smith, ang bawat passage ay binago upang sabihin na pinatigas ni Faraon ang kanyang sariling puso.Ang mga pagbabagong ito ay nagbibigay-diin sa personal na kalayaan ni Faraon na tutulan ang kalooban ng Diyos.

Exodo 4:24–26

Bakit nagalit ang Panginoon kay Moises?

Mahirap maunawaan ang salaysay tungkol sa paghahangad ng Diyos na patayin si Moises dahil kulang sa maraming mahahalagang detalye ang teksto.Ipinahihiwatig ng Pagsasalin ni Joseph Smith na nagalit ang Panginoon kay Moises dahil hindi niya natuli ang kanyang anak at ang pagtutuli ni Zifora sa bata ang nagligtas sa buhay ni Moises.

Exodo 6:3

Alam ba ng mga sinaunang patriyarka ang pangalan ni Jehova?

Ipinahihiwatig ng teksto sa Exodo 6:3 na ang pangalang Jehova ay hindi alam nina Abraham, Isaac, at Jacob.Gayunpaman, sumasalungat ang pahiwatig na ito sa mga naunang salaysay sa Lumang Tipan na nagsasabing ang pangalan ng Panginoon ay alam ng mga naunang tao.Binago ng Pagsasalin ni Joseph Smith ang pagkakasunud-sunod ng mga salita sa talatang ito upang magtanong ng tanong na retorikal na may ipinahihiwatig na positibong sagot.

Alamin ang Iba pa

Mga matwid na babae

  • Heather B. Moore, “The Women in Moses’s Life” (digital lamang na artikulo), Liahona, Mar. 2022, Gospel Library

Ang pagtawag kay Moises bilang isang propeta

Media

Mga Larawan

Si Sifra na may kargang sanggol

The Protector (Shiphrah) [Ang Tagapagtanggol (Sifra)], ni Elspeth Young

Si Jokebed na karga ang kanyang sanggol na si Moises

The Mother of Moses [Ang Ina ni Moises], ni Simeon Solomon/ng Bridgeman Images

ang sanggol na si Moises na inilalagay sa ilog ng kanyang ina

Faith at Water’s Edge [Pananampalataya sa Gilid ng Ilog], ni Anne Marie Oborn

Ang anak na babae ni Faraon na natagpuan ang sanggol na si Moises sa ilog

Moses Found in the Bulrushes by Pharaoh’s Daughter [Natagpuan ng Anak na Babae ni Faraon si Moises sa Takbang Yantok], ni George Soper

kinukuha ng anak na babae ng Faraon ang sanggol na si Moises mula sa ilog

For She Had Compassion on Him [Sapagka’t Siya ay Nahahabag sa Kanya], ni Eva Timothy

isang tradisyonal na lugar ng Bundok ng Sinai sa Egipto

Isang tradisyonal na lugar ng Bundok ng Sinai sa Egipto

Mga Tala

  1. Bible Dictionary, “Exodus, book of.” Ang Exodus ay salitang Griyego.Ang pamagat sa Hebreo para sa aklat ng Exodo ay Shemot, na nangangahulugang “mga pangalan.”Ang pamagat na ito ay nagmula sa mga paunang salita ng aklat, sa Exodo 1:1: “Ito ang mga pangalan …” (tingnan sa Michael D. Coogan at iba pa, mga pat., The New Oxford Annotated Bible: New Revised Standard Version, ika-5 ed. [2018], 81).

  2. Tingnan sa Juan 6:48–51; 1 Corinto 10:1–7; Mga Hebreo 11:23–29; 1 Nephi 4:1–3; 17:23–31; Mosias 12:27–30; 13:9–26; Helaman 8:11–13; Doktrina at mga Tipan 8:2–3.

  3. Tingnan ang bahaging “Analysis of Hebrews,” sa Bible Dictionary, “Pauline Epistles.”

  4. Tingnan sa Bible Dictionary, “Exodus, book of.”

  5. Ang mga Hyksos ay namuno sa Egipto mula noong humigit-kumulang 1750 BC hanggang 1550 BC.Malamang na Semitic ang kanilang pinagmulan, gayundin si Jose at ang kanyang pamilya.Ang iisang pinagmulan na ito ay maaaring naging dahilan para mahabag ang mga Hyksos sa mga Hebreo at tratuhin nang mabuti si Jose at ang kanyang mga inapo (tingnan sa Bible Dictionary, “Egypt”).

  6. “Ang bagong dinastiyang Theban, na nagtatag ng tinatawag na ‘Bagong Kaharian’ sa kasaysayan ng Egipto, ay kinamumuhian ang anumang grupong nauugnay sa Hyksos, lalo na kung naniniwala sila na tinulungan nila ang mga pinunong ito.Kaya ang pagbanggit sa Exodo sa isang bagong faraon na ‘hindi kilala si Jose’ (Exodo 1:8) ay malamang na hindi nangangahulugan na hindi pa niya narinig ang tungkol kay Jose, kundi sa halip ay nangangahulugan na ang faraon na ito ay walang paggalang kay Jose o sa anumang bagay na kanyang ginawa” (Kerry Muhlestein, “Israel, Egypt, and Canaan,” sa From Creation to Sinai: The Old Testament Through the Lens of the Restoration, mga pat.Daniel L. Belnap at Aaron P. Schade (2021), 211.

  7. Exodo 1:8.

  8. Tingnan sa Exodo 1:9.

  9. Tingnan sa Exodo 1:10.

  10. Tingnan sa Muhlestein, “Israel, Egypt, and Canaan,” 211.

  11. Exodo 1:17.

  12. Tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Takot,” Gospel Library.

  13. David A. Bednar, “Anupa’t Nabawasan ang Kanilang Pagkatakot,” Liahona, Mayo 2015, 48.

  14. Tingnan sa Deuteronomio 34:10–12.Tingnan din sa Dieter F. Uchtdorf, “Mahalaga Kayo sa Kanya,” Liahona, Nob. 2011, 19.

  15. Tingnan sa Pagsasalin ni Joseph Smith, Genesis 50:24, 34–35, Gospel Library; 2 Nephi 3:10, 16–17.

  16. Tingnan sa Mga Gawa 3:22; 7:37; Deuteronomio 18:15, 18–19; 1 Nephi 22:20–21; 3 Nephi 20:23–24.Ipinapahiwatig na ang Ebanghelyo ni Mateo “ay inayos upang maipakita na si Jesucristo ay isang ‘bagong Moises,’ isang katuparan ng ministeryo at turo ni Moises” (Shon D. Hopkin, “How New Testament Disciples Built on Old Testament Foundations” [digital lamang na artikulo], Liahona, Ene. 2023, Gospel Library.

  17. Moises 1:6.

  18. Mga Gawa 7:22.

  19. Tingnan sa Flavius Josephus, Antiquities of the Jews, trans.William Whiston (1737), aklat 2, kabanata 9, talata 7; aklat 2, kabanata 10, talata 1–2.

  20. Mga Gawa 7:23, 25.Ilang siglo bago isilang si Moises, nagpropesiya si Jose ng Egipto tungkol sa misyon ni Moises at sa kanyang tungkulin sa pagliligtas sa Israel mula sa Egipto (tingnan sa Pagsasalin ni Joseph Smith, Genesis 50:24, 34–35, Gospel Library).Posibleng alam ni Moises ang mga propesiya ni Jose.

  21. Tingnan sa Ellis T. Rasmussen, A Latter-day Saint Commentary on the Old Testament (1993), 86.

  22. Sa Exodo 20:13, iniutos ng Panginoon na “Huwag kang papatay.”Ang salitang Hebreo na isinalin bilang “papatay” sa talatang iyon (rasah) ay nangangahulugang “pagpaslang.”Ang ibang salitang Hebreo (naka), na ang ibig sabihin ay “hampasin” o “salakayin,” ay ginamit upang ilarawan ang mga ginawang pambubugbog ni Moises sa taga-Egipto (tingnan sa Tremper Longman III at Mark L. Strauss, The Baker Expository Dictionary of Biblical Words [2023], entry 1021, pahina 992 at entry 7523, pahina 1021).

  23. Tingnan sa Exodo 3:1; Pagsasalin ni Joseph Smith, Exodo 18:1.Ang Midian ay halos nasa bandang silangan ng Ilog Jordan at ng Patay na Dagat at kinabibilangan ng timog at silangang bahagi ng Sinai Peninsula (tingnan sa J. D. Douglas at Merrill C. Tenney, Zondervan Illustrated Bible Dictionary, rev. ed. [2011], 942).

  24. Tingnan sa Richard Neitzel Holzapfel at iba pa, Jehovah and the World of the Old Testament: An Illustrated Reference for Latter-day Saints (2009), 87.Tingnan din sa Bible Dictionary, “Keturah.”

  25. Tingnan sa Exodo 2:21.

  26. Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 84:6–16.

  27. Genesis 17:8.Tingnan sa Genesis 17:2–7; 22:18; Abraham 2:9–11.

  28. Genesis 15:13–14.Sinabi rin ng Panginoon kay Jacob na ang kanyang mga inapo ay magiging isang dakilang bansa sa Egipto at “muli rin [silang] ibabalik” ng Panginoon sa lupain ng Canaan (Genesis 46:2–4).Ang pangakong ito ay maaaring magpahiwatig ng paglilibing kay Jacob sa Canaan at ng pagbabalik din ng kanyang mga inapo.

  29. Tingnan din sa Genesis 15:13–14; 46:2–4.Ang katapatan ng Diyos sa tipan ay madalas na nakikita na naiiba sa hindi pagiging tapat ng Kanyang mga tao.

  30. Russell M. Nelson, “Ang Walang Hanggang Tipan,” Liahona, Okt. 2022, 6.

  31. Exodo 3:1.

  32. Tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Sinai, Bundok ng,” Gospel Library.Tingnan din sa Exodo 19–21.

  33. Exodo 3:2.

  34. Nililinaw ng Pagsasalin ni Joseph Smith na ang presensya ng Panginoon, hindi ng isang anghel, ang tumawag kay Moises (tingnan sa Joseph Smith Translation, Exodus 3:2 [sa Exodus 3:2, footnote a]).

  35. Moises 1:2.Tingnan din sa Moises 1:17, 25–26.

  36. Moises 1:2.Tingnan din sa Moises 1:9–11.

  37. Tingnan sa Exodo 19:18.

  38. Exodo 24:17.

  39. Exodo 13:21–22; Mga Bilang 9:15–16; Mga Awit 78:14.

  40. Journal, 9–11 November 1835,” sa The First Vision (2020), Gospel Library.Ang salaysay tungkol sa Unang Pangitain ni Joseph Smith na nakatala sa Mahalagang Perlas ay inilalarawan ito bilang “haligi ng liwanag” (Joseph Smith—Kasaysayan 1:16).

  41. Tingnan sa 1 Nephi 1:6.

  42. Tingnan sa Isaias 33:14; Doktrina at mga Tipan 29:12; 130:6–7; 133:41; 137:2–3.Tingnan din sa Bible Dictionary, “Shechinah.”

  43. Ang salitang Jehovah ay isang salita sa Latin na pinagsasama ang mga katinig ng pangalang Hebreo na YHWH (JHVH) at ang mga patinig ng salitang Hebreo na Adonai, na nangangahulugang “aking Panginoon” (tingnan sa Adele Berlin at Marc Zvi Brettler, mga pat., The Jewish Study Bible, ika-2 ed. [2014], 103–4, tala sa Exodo 3:14–15).

  44. Tingnan sa Holzapfel at iba pa, Jehovah and the World of the Old Testament, 16; Bible Dictionary, “Jehovah”; Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Jehova,” Gospel Library.

  45. D. Todd Christofferson, “Ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo,” Liahona, Mayo 2014, 112.

  46. Tingnan sa Exodo 4:21; 7:3, 13; 9:12; 10:1, 20, 27; 11:10.

  47. Napansin ng isang iskolar, “Ang passage na ito ay kinikilala bilang isa sa pinakamahirap na ipaliwanag at unawain sa Lumang Tipan dahil tila napakaraming nawawala” (Camille Fronk Olson, “The Matriarchs: Administrators of God’s Covenantal Blessings,” sa Belnap and Shade, From Creation to Sinai, 420).

  48. Tingnan sa Joseph Smith Translation, Exodus 4:24–27, Gospel Library.

  49. Tingnan sa Genesis 4:26; 15:7; 28:13.

  50. Tingnan sa Joseph Smith Translation, Exodus 6:3 (sa Exodus 6:3, footnote c).