2025
Pangulong Timothy L. Farnes
Mayo 2025


“Pangulong Timothy L. Farnes,” Liahona, Mayo 2025.

Pangulong Timothy L. Farnes

Young Men General President

Noong 14 na taong gulang pa lamang si Pangulong Timothy L. Farnes, isang kaibigan na iba ang paniniwala ang nagsimulang hamunin ang kanyang mga pinaniniwalaan sa relihiyon. Sa unang pagkakataon sa kanyang kabataan, nagpatotoo si Timothy na si Joseph Smith ay propeta ng Diyos at Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay totoo.

“Napuspos ng Espiritu ang silid. Ito ay damang-dama,” paggunita niya. “Lahat kami ay naramdaman ito, at lahat kami ay nagbago.”

Sinabi ni Pangulong Farnes na nais niyang malaman ng mga kabataan ng Simbahan na kabilang sila sa pamilya ng Diyos.

“Sila ay mga anak ng Diyos at mga anak ng tipan,” sabi niya, “at maaari silang maging mga disipulo ni Jesucristo kung tatanggapin nila Siya—tanggapin ang kaloob na para sa kanila dahil sa Kanyang Pagbabayad-sala.”

Isinilang si Timothy Lowell Farnes noong Hunyo 29, 1969, sa Baltimore, Maryland, kina Gary William Farnes at Mary Ellen Farnes. Noong bata pa siya, lumipat ang kanyang pamilya sa Utah, kung saan siya lumaki. Siya ang panganay sa siyam na magkakapatid.

Siya ay naglingkod bilang missionary sa Brazil Porto Alegre Mission. Nag-aral siya ng economics sa Brigham Young University at kalaunan ay nagpasimula ng maraming kumpanya, kabilang na ang MedSource Direct, Aspire, at ang humanitarian nonprofit na World Joy.

Ikinasal siya kay Linsey Anne Farnes sa Salt Lake Temple noong Agosto 27, 1992. Sila ay may limang anak at anim na apo, at nakatira sila sa Bountiful, Utah.

Naglingkod sina Pangulo at Sister Farnes bilang mga lider ng misyon sa Brazil São Paulo North Mission mula 2014 hanggang 2017. Kabilang sa mga naunang tungkulin ni Pangulong Farnes ang pagiging Area Seventy sa Utah Area, stake president, high councilor, bishop, at young single adult bishop.