2025
Elder Aaron T. Hall
Mayo 2025


“Elder Aaron T. Hall,” Liahona, Mayo 2025.

Elder Aaron T. Hall

General Authority Seventy

Naaalala ni Elder Aaron T. Hall noong itinalaga siya at ang kanyang asawang si Kimberly bilang mga lider ng misyon sa Texas Houston South Mission. Sinabi nila kay Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol na mula sa labis na pagkalula hanggang sa pananabik ang nadama nila. Sinabi ni Elder Bednar na kailangang magpasalamat.

“Ang itinuro niya sa amin sa araw na iyon ay hindi kailanman nawaglit sa aking isipan na may kaugnayan sa anumang tungkulin na natatanggap namin, na, ‘Gayon na lamang ang pasasalamat namin,’” sabi niya. “Magtataka kayo kung paanong kayo pa ang napili ng Panginoon sa mundo, ngunit nagpapatotoo kami na Siya ang pumipili. At dahil handa at may panahon tayo, bibigyan Niya tayo ng kakayahan.”

Isinilang si Aaron Tracy Hall noong Marso 4, 1971, sa Provo, Utah, na anak nina Alan Eugene Hall at Paula Jeanne Nowak Hall. Nagmisyon siya nang full-time sa Chile Osorno Mission at kalaunan ay ikinasal kay Kimberly Wade Hall noong Disyembre 28, 1993, sa Logan Utah Temple. Sila ay may apat na anak.

Nang tawagin siya sa tungkulin, naglilingkod noon si Elder Hall bilang Area Seventy sa Utah Area. Nakapaglingkod na rin siya bilang stake presidency counselor, high councilor, stake executive secretary, bishop, elders quorum president, at ward Young Men president.

Si Elder Hall ay tumanggap ng bachelor’s degree sa professional sales mula sa Weber State University at master of business administration mula sa University of Utah. Dating executive para sa teknolohiya at pribadong equity firms, kamakailan lamang ay nagtrabaho siya bilang direktor sa Missionary Department ng Simbahan.