2025
Steven C. Barlow
Mayo 2025


“Elder Steven C. Barlow,” Liahona, Mayo 2025.

Elder Steven C. Barlow

General Authority Seventy

Isa sa mga pinakamadamdaming karanasan ni Elder Steven C. Barlow sa Espiritu Santo ang “hindi maikakailang impresyon mula sa langit na kailangan niyang pakasalan si Christina Evans.” Nagpakasal sila sa Salt Lake Temple noong 1991 at nagkaroon ng limang anak.

Naglingkod sina Elder at Sister Barlow bilang mga lider ng misyon sa Ecuador mula 2017 hanggang 2020, na sakop ng pagsisimula ng pandemya sa COVID-19. Nang panahong iyon, maraming missionary ang umuwi, samantalang ang iba naman ay nalipat sa misyon ng mga Barlow. Nasaksihan nina Elder at Sister Barlow ang kamay ng Panginoon na namamahala sa mga pagsisikap na iyon sa gawaing pangmisyonero.

“Nagtiwala kami sa Panginoon,” paggunita niya. “May mga pagkakataon na hindi namin alam kung ano ang mangyayari kinabukasan. Nanatili kaming umaangkop sa mga pangyayari at handa. Naging paladasal kami, at naging maayos ang lahat.”

Ang karanasang ito ay nagpatibay sa mga aral na itinuro sa kanya noon pa, na ang Panginoon ang siyang namamahala at lagi natin Siyang mapagkakatiwalaan.

Si Elder Barlow ay nagtamo ng bachelor’s degree sa edukasyong pangkalusugan mula sa University of Utah noong 1993. Nakapagtrabaho siya bilang isang executive sa data analytics at pagpapabuti ng kalidad sa pangangalagang pangkalusugan. Nang tawagin siya sa tungkulin, naglilingkod noon si Elder Barlow bilang Area Seventy sa Utah Area.

Isinilang si Steven Chad Barlow sa Bountiful, Utah, noong Enero 1, 1969, kina Jon Kay Barlow at Becky Christensen Barlow. Siya ay “pinalaki ng kahanga-hangang mga deboto at tapat na mga magulang” na nagturo sa kanya ng ebanghelyo mula pagkabata.