2025
Elder Brian J. Holmes
Mayo 2025


“Elder Brian J. Holmes,” Liahona, Mayo 2025.

Elder Brian J. Holmes

General Authority Seventy

Sinabi ni Elder Brian J. Holmes na siya at ang kanyang asawang si Maggie ay mga saksi ng pangako ng Panginoon sa Doktrina at mga Tipan 84:88 na Siya ay “magpapauna sa inyong harapan.”

“Iyan ang ginagawa niya para sa atin sa buong buhay natin,” sabi ni Elder Holmes. “Kapag ganap nating isinusuko ang ating buhay sa Panginoon, mas malaki ang magagawa Niya para dito kaysa sa kaya nating gawin para sa ating sarili.”

Sa kanyang bagong tungkulin bilang General Authority Seventy, umaasa si Elder Holmes na magkakaroon siya ng mga pagkakataong magpatotoo tungkol sa mahalagang papel ni Jesucristo sa plano ng Ama sa Langit.

“Siya ang Tagapagligtas at Manunubos ng lahat ng anak ng ating Ama sa Langit,” sabi niya.

Isinilang si Brian J. Holmes noong Disyembre 5, 1977, sa Salt Lake City, Utah, isa sa 12 anak, kina Michael H. Holmes at Marian R. Holmes. Noong binata pa, siya ay nagmisyon sa Munich, Germany. Kalaunan, ikinasal siya kay Maggie Wilson sa Salt Lake Temple noong Marso 29, 1999. Sina Elder at Sister Holmes ay may anim na anak at nakatira sa Queen Creek, Arizona, nang tawagin siya sa tungkulin.

Si Elder Holmes ay tumanggap ng bachelor’s degree sa political science at juris doctor, mula sa Arizona State University. Nagtrabaho siya bilang vice president ng Holmes Homes sa Arizona, itinatag ang Holmes Law, PLC, at kamakailan ay nagtrabaho bilang general counsel para sa Charter One, LLC.

Bago siya tinawag bilang General Authority, naglilingkod si Elder Holmes bilang Area Seventy sa North America Southwest Area. Nakapaglingkod na rin siya bilang stake president, high councilor, at bishop.