“Elder Eduardo F. Ortega,” Liahona, Mayo 2025.
Elder Eduardo F. Ortega
General Authority Seventy
Sa paglilingkod sa Simbahan sa loob ng maraming taon, may mahalagang aral na natutuhan si Elder Eduardo F. Ortega. Sa anumang tungkulin, bilang bishop man o ministering brother, ang kaalaman na kumakatawan tayo sa Panginoon ay nagpapadali sa tungkuling iyon.
“Kung iisipin natin kung paano Niya ito gagawin, mas madali na ito,” sabi niya, na binabanggit ang Jacob 5:71–72 sa Aklat ni Mormon. “Maraming beses ko nang nadama na nasa tabi ko lamang ng Panginoon habang naglilingkod ako sa maraming tungkulin dahil ito ay Kanyang ubasan, hindi sa atin.”
Isinilang si Eduardo Franciso Ortega sa Godoy Cruz, Mendoza, Argentina, noong Hulyo 10, 1977, kina Fernando Daniel Ortega at Irma Elvira Endstorfer. Ikinasal siya kay Gabriela Alejandra Cappi Franzia sa Montevideo Uruguay Temple noong Setyembre 13, 2002. Sila ay may limang anak at nakatira sa Mexico City, Mexico, nang tawagin siya.
Si Elder Ortega ay nagtamo ng bachelor’s degree sa arkitektura mula sa John F. Kennedy University, Argentina, noong 2008 at master’s degree mula sa University of Belgrano noong 2016. Noong 2017, nakatanggap siya ng diploma sa pamumuno mula sa Harvard Business School. Nagtrabaho siya bilang isang construction project manager, una para sa SBA Company at pagkatapos ay para sa Argentine branch ng Village Roadshow Entertainment Group. Naging real estate director siya para sa American Express Company noong 2014, board member para sa Arch Royale Projects Ltd. noong 2023, at board member para sa CorNet Global noong 2024.
Nang tawagin siya sa tungkulin, naglilingkod noon si Elder Ortega bilang Area Seventy. Nakapaglingkod na rin siya bilang stake presidency counselor, bishop, bishopric counselor, elders quorum president, high priests group leader, at full-time missionary sa Colombia Cali Mission.