“Elder John D. Amos,” Liahona, Mayo 2025.
Mga Bagong Calling
Elder John D. Amos
General Authority Seventy
Noong 2020, tumanggap si Elder John D. Amos ng isang tungkulin na nakapagpapabago ng buhay na maging mission president para sa Baton Rouge Louisiana Mission. Maraming bagay sa buhay niya ang kailangan ng pagbabago dahil sa pagkakatawag, ngunit magiliw na tinanggap nina Elder at Sister Amos ang tungkulin nang may pananampalataya.
“Matagal nang nagawa ang desisyon at pangako,” sabi ni Elder Amos. “Kapag tumatawag ang Panginoon, sumasagot lamang kami.”
Isinilang si John D. Amos noong Nobyembre 2, 1961, sa Lafayette, Louisiana, kina John N. Amos Sr. at Dorothy Victorian Amos. Nakilala niya ang kanyang mapapangasawa, si Michelle Evette Wright, sa pamamagitan ng mga klase na sabay nilang kinuha noon sa kolehiyo, na parehong nag-major sa electrical engineering.
Si Michelle, na miyembro na ng Simbahan, ay inanyayahan si John sa isang sayawan sa simbahan para sa kanilang unang date. Pagkatapos niyon, nagsimulang maragdagan ang kanyang nalalaman tungkol sa Simbahan at sa mahalagang papel na ginagampanan ng Tagapagligtas sa ipinanumbalik na ebanghelyo.
“Lahat ng bagay ay tungkol kay Jesucristo,” sabi niya. “Siya ang sentro ng lahat ng bagay.”
Ikinasal sina Elder Amos at Michelle noong Hunyo 9, 1990, sa Atlanta Georgia Temple. Sila ay may tatlong anak at anim na apo.
Si Elder Amos ay nagtamo ng degree sa electrical at nuclear engineering. Sa panahon ng kanyang karera, nagsilbi siya sa United States Navy, nagtrabaho sa Siemens Energy Inc., at nagturo sa University of Central Florida.
Kabilang sa mga naging calling niya sa Simbahan ang pagiging Area Seventy (North America Southeast Area), mission president, stake presidency counselor, bishop, bishopric counselor, ward Sunday School president, ward executive secretary, high priests group leader, at nursery leader.