“Elder Edward B. Rowe,” Liahona, Mayo 2025.
Elder Edward B. Rowe
General Authority Seventy
Sa pagpapraktis niya ng karera sa international law, may mga pagkakataon na nanirahan si Elder Edward B. Rowe at ang kanyang pamilya sa mga lugar sa mundo kung saan sila lamang marahil ang mga miyembro ng Simbahan. Nakapagdaos na sila ng mga awtorisadong serbisyo ng simbahan bilang pamilya sa kanilang tahanan ilang taon bago pa ipinakilala ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin na kurikulum. Ang kanilang pagsamba ay nakasentro sa tahanan—kumpleto na nakadamit pangsimba at may mga takdang mensahe sa araw ng Linggo.
Naalala ni Elder Rowe nang napagtanto niya na “ang tanging turo na matatanggap ng aming mga anak tungkol sa ebanghelyo ni Jesucristo ay magmumula sa amin.”
Ang mga karanasang ito ang nagbuklod sa kanilang pamilya at ginawang simple ang ebanghelyo ni Jesucristo habang tinutulungan nila ang kanilang mga anak na magkaroon ng kaugnayan sa Tagapagligtas. “Mga sagrado at espesyal na panahon iyon,” sabi niya.
Isinilang si Edward Butler Rowe sa Provo, Utah, noong Abril 23, 1967, kina Fred A. Rowe at Sherrel Rowe. Ikinasal siya kay Brooke Francis sa Salt Lake Temple noong Enero 3, 1989. Sila ay may limang anak at nakatira sa Pleasant Grove, Utah, nang tawagin siya sa tungkulin.
Si Elder Rowe ay nagtamo ng bachelor’s degree sa pilosopiya mula sa Brigham Young University at master’s degree sa public policy at juris doctor degree mula sa University of Chicago. Nagpraktis siya ng international law bilang kasosyo sa mga law firm sa Washington, D.C., at sa iba’t ibang panig ng mundo. Mula pa noong 2019 ay nagtrabaho na siya bilang CEO ng Stirling Foundation.
Nang tawagin siya sa tungkulin, naglilingkod siya noon bilang Area Seventy. Siya ay dating Adriatic North Mission president (2011–2014), bishop, stake Young Men president, elders quorum president, ward mission leader, at full-time missionary sa Florida Fort Lauderdale Mission.