2025
Brother Sean R. Dixon
Mayo 2025


“Brother Sean R. Dixon,” Liahona, Mayo 2025.

Brother Sean R. Dixon

Pangalawang Tagapayo sa Young Men General Presidency

Dahil alam niya na maraming tinig ang nagpapaligsahan para makuha ang atensyon ng mga kabataan, umaasa si Brother Sean R. Dixon na pagtutuunan ng pansin ng mga kabataan ang mga makabagong propeta at apostol at magtitiwala at susundin ang kanilang patnubay.

“Kanilang aakayin sila kay Jesucristo,” sabi niya. “Hindi ang propeta [Pangulong Russell M. Nelson] ang pinakamithiin; kundi ang Tagapagligtas. Ngunit ang propeta ay nakatuon nang lubos sa Tagapagligtas, at kung susundin nila Siya, magiging handa sila sa kanilang kakaharapin sa kanilang buhay.”

Isinilang si Sean Romney Dixon noong Mayo 5, 1970, sa Provo, Utah, na anak nina Donald Romney Dixon at Diane Scott Dixon. Naglingkod siya ng full-time mission sa Canada Toronto Mission. Kalaunan ay pinakasalan niya si M’Shelle Lundquist noong Mayo 14, 1992, sa Salt Lake Temple. Sila ay may limang anak.

Si Brother Dixon ay nagtamo ng bachelor’s degree sa family science mula sa Brigham Young University at master’s degree sa edukasyon mula sa University of Phoenix. Nakapagtrabaho siya sa iba’t ibang tungkulin sa Seminary at Institutes of Religion sa loob ng 30 taon, at kasalukuyang direktor ng Utah South Institute Region, na nangangasiwa sa mga institute mula Orem hanggang St. George. Noon, siya ay naging seminary teacher sa Utah County at direktor ng Utah Valley Institute of Religion.

Nang tawagin siya sa tungkulin, naglilingkod noon si Brother Dixon bilang pangulo ng Spanish Fork Utah East Stake. Siya ay dating California Redlands Mission president, stake presidency counselor, bishop, bishopric counselor, at ward Young Men president.